Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MARAHAS NA DISPERSAL SA RALIYESTA SA US EMBASSY

$
0
0

NOONG Miyerkules ay nasaksihan at nakita ng buong mundo kung paano araruhin at sagasaan ng ating mga kapulisan ang mga raliyesta na nagpoprotesta sa harapan ng US Embassy nang walang kalaban-laban.

Sa marahas na dispersal na iyon ay ipinakita ng ating kapulisan kung gaano sila katapang sa mga taong walang laban, ipinakita rin ng ating mga awtoridad na gagawin nila kung anoman ang gusto nilang gawin kesehodang maraming masaktan.

Para sa akin, ang pag-araro ni PO3 Franklin Kho ay pwede pang bigyan ng katwiran pero ‘yung ginawa ng mga pulis-Maynila sa driver ng jeep ay talagang ‘yun ang hindi makatao.

Pwede namang hulihin na lang nila ‘yung driver tutal naman ay huminto na ‘yung sasakyan. Sana ay pinababa na lang nila at dinala sa presinto, hindi ‘yung ipinakita nila sa publiko ang ginawa nilang pambubugbog. Biruin mo, ‘yung nipis ng katawan noong driver na ‘yun para pagtulungang paluin ng yantok, tadyakan, suntukin at kung ano-ano pa. Aba, eh, hindi na yata ‘yun makatwiran.

Sabihin na nating may kasalanan din ang mga raliyesta at naging marahas din sila, sana ay inaresto na lang nila ang mga iyon. Hindi sana umabot sa marahas na dispersal.

Ganu’n na ba kalakas ang loob ng mga pulis para gumawa sila ng ganu’n kabrutal na dispersal? At dahil sa marahas na dispersal ay agad namang sinibak nitong si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, PCSUPT Oscar Albayalde, ang 62 na pulis-Maynila kung saan ay 8 opisyal ang nakasama rito at ang pinakamataas na nasibak ay si PSSUPT. Marcelino Pedrozo, ang Deputy Director for Operations ng Manila Police District (MPD).

Bukod kay Pedrozo, ang mga opisyal na agad na sinibak ay ang station commander ng Ermita Police Station 5 at siya ring tumayong ground commander na si PSUPT. Albert Barot, PCINSP Dionelle Brannon, Pedro Gil Police Community Precinct Commandder, PCINSP. Elmer Oseong ng Police Station 5, PCINSP. Joebie Astucia, ang Chief Operations ng PS-5, PCINSP Roberto Mangune, Camp Commander ng US Embassy Detail at PSINSP. Edgardo Orongan.

Tumaas ang kilay ng marami nating kababayan dahil bakit hindi nakasamang sinibak ang hepe ng ating mga kapulisan sa Maynila na si Acting District Director PSSUPT. Jigs Coronel? At bakit nga ba hindi ito nakasama sa sibakan?

Maliwanag na Command Responsiblity ito, pero bakit iniwan si Coronel? Hindi ba dapat itong si Coronel ang unang masibak?

Naalala ko tuloy noong nakaraang Agosto 23, 2010 kung saan naganap ang Luneta Hostage Tragedy. ‘Di ba unang-unang sinibak sa puwesto ang MPD Director noon na si PSSUPT. Rolando Magtibay? Bakit ngayon, parang wala yatang balak ang PNP na sibakin si Coronel?

Kahit sinong opisyal ng pulis o ordinaryong pulis ay nagtataka rin kung bakit hindi nakasama sa mga sinibak si Coronel gayong ito ang District Director ng Manila Police District.

Ang tibay talaga ng kapit nitong si PSSUPT. Coronel sa pamunuan ng PNP. Siguro, kung naiba-iba pa ‘yan, palagay ko sibak din ‘yan, kasabay ni Pedrozo.

Well, sabi nga nila, weather-weather lang ‘yan, at ngayon ay weather nitong si Col. Coronel kaya siguro hindi nasibak. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>