WALANG balak manahimik ang mga propeta ng kadiliman sa bansa natin. Hindi talaga nila matanggap na talunin ng isang probinsyano ang manok nilang Manila Boy na lahi ng oligarko. Ano ang gusto ninyo, away o gulo?!?
Naghati-hati na sila ng komite. Kanya-kanyang tungkulin para raw kolektibo at disimulado ang plano nila na patalsikin sa Malacañan ang probinsyanong Davawenyo – si Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE!
Ang Komite ng militar, organisahin ang mga sundalo at pulis para maglunsad daw ng kudeta? Unang sulsol, bakit daw nakipagkamay si KA DIGONG sa mga kaaway ng bayan – CPP-NDF-NPA, MILF at MNLF. Balak nila ang away o gulo?
Ang Komite ng Pulitikal, patuloy na mag-iingay sa Kongreso ng Senado at Kamara kahit alam nilang walang kwenta ang kanilang mga kwento.
Gagawa ng mga inimbento na isyung negatibo para galitin ang tao – una na ang usapin ng “extrajudicial killings” at “human rights violations” daw.
Ang Komite Pangkabataan ay tutuloy naman sa hanay ng mga mag-aaral sa bawat kampus ng mga paaralan at mala-zarzuela at teatrong luluha at magkukwento na sila ay kaawa-awa sa “kamay raw ng berdugo?” – si Pangulong Duterte. Eh ‘di wow.
Ang kanilang Komite Sentral ay kumuha na rin ng mga propesyunal na tagasulsol bilang propagandista nila, gagamitin ang sektor ng media gamit ang multi-bilyon na pondo para isulong ang kanilang plano.
Agawin ang Malacañan ala Peoples’ Power 1986 at 2000 kahit ano raw ang mangyari?
Mga propesyunal lahat ang lider ng kada komite. Sa militar ay pawang mga dati nang nagwala noon sa kudetang kapos.
Mga rebisyonistang tibak naman ang mamamahala sa panunulsol sa mamamayan at ilang babae at mala-bakla na mambabatas sa mga kabataan.
Napaniwala ng mga lider-komite ang Komite Sentral basta huwag lang daw sila tipirin sa gastos. Ganyan din ang kanilang propagandista na nagsumite pa ng mga pangalan ng media pipol mula sa iba’t ibang institusyon ng pamamahayag!
Sige mga hunghang. Ituloy ninyo ang inyong panggugulo at kung sakaling may masulsulan at mapaniwala kayo, tingnan natin ang inyong pwersa. Tiyakin lamang ninyo na kaya ninyong gawin na paglabanin ang Filipino sa kapwa Filipino!
Mag-isip kayong mabuti. Ano ang gusto ninyo talagang mangyari sa bansa at mamamayan natin – away o gulo? Mabuti pa, manahimik kayo para walang away o kaya ay tumulong sa pagbabago para walang gulo! BALETODO/ED VERZOLA