Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DAPAT PATAS ANG KUMPETITSYON

$
0
0

PINAMAMADALI ni Congressman L-Ray Villafuerte sa LTFRB ang pag-review raw ng bagong policy sa transportation network companies (TNCs) at ng mga provider nito. Marami na raw ang umaangal sa sinasabing “fare surging” ng mga transport service na ito, lalo na kapag kung kailan mas pahirapan ang pagsakay.

Ito rin ang pananaw ko noon pa, suportado ko ang nais na ito ni Cong. Kinakailangan na talagang masusing masilip at ma-review at mabago na siguro ang Department Order at Memorandum Circular na pinayagan nga ang popular na “app-based transpo business.”

Napaka-controversial na issue ito sa transport sector, lalo na sa mga tumututol dito dahil sanhi nga raw ang mga app-based transpo sa paglala ng traffic situation.

Ang mga taga-depensa naman ay nagsasabi na nakatutulong sila. Importante na malaman muna natin kung bakit may fare surging ang ganitong mga transport service samantalang ang jeep, ordinary taxi, at UVs at bus ay wala.

Sa Department Order 2015-11, nakasaad na ang fare nila ay “SET BY TNC”, subject to oversight by LTFRB, etc. Ang ibang transport service, ang wordings tungkol sa fare ay “AS AUTHORIZED BY LTFRB.”

Sa ngayon ay sinuspinde ng LTFRB ang pagtangap ng mga bagong application ng mga sasakyan na TNVS (tulad nga ng Uber at Grab).

Pero tuloy naman ang pagtanggap ng application para sa mga TNC dahil hindi naman sila ang pinagbawalang tumangap ng application.

Kaya maraming TNVS ang namamasada kahit walang prangkisa. Lumalabas na colorum ang mga ito pero mahirap mahuli kasi hindi sila yellow plate at hindi sila sumusunod sa mga marking na dapat ilagay ‘pag may pasahero. Sa tinging ko, dapat nang pakialaman ng Kongreso ang issue at maiayos agad nang hindi maapektuhan ang mananakay ng uber at grab.

Malinaw ang deparment order REGARDING THE TNVS, CONSIDERING THAT AN ACCREDITATION BY THE TNC IS REQUIRED BY THE TNVS APPLICANT, THE LTFRB IS FURTHER DIRECTED TO ACCREDIT THE TNCs WHILE WAITING GUIDANCE FROM THE LEGISLATURE REGARDING REGULATION OF THIS NEW INDUSTRY AND TO PROMULGATE THE GUIDELINES FOR THEIR ACCREDITATION.

Hindi na dapat iutos pa ni Cong. Villafuerte ito sa LTFRB dahil nasa kapangyarihan ng Congress ang gumawa ng batas na magre-regulate ng uber at grab at iba pa.

Para ito sa kapakanan ng mga mananakay at para maging patas-patas na ang kumpetisyon ng mga public transportation. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>