Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DUTERTE SINALUDUHAN DAHIL SA KAMPANYA SA DROGA

$
0
0

SIMULA nang manungkulan bilan Pangulo ng bansa si Rodrigo Duterte ay alam na ng marami na tutuparin nito ang kanyang pangako sa taumbayan na susugpuin ang pagkalat ng iligal na droga sa Pinas.

Ito kasi ang ipinangako ni Tatay Digong noong ito ay nangangampanya pa lamang bilang Pangulo ng bansa at nang manalo nga ito bilang Presidente ay tinupad ni Duterte ang kanyang binitiwang pangako.

Hanggang ngayon ay patuloy ang kampanya ng administrasyon ni Duterte laban sa mga druglord, protector, pusher at addict kahit na umaani ito ng iba’t ibang reaksiyon sa mga grupo na kumokontra sa umano’y karahasan.

Hindi naman kasi totoo ang ibinibintang ng ilan na masyadong marahas ang kampanya ni Duterte sa pagsugpo sa iligal na droga dahil kung ang pagbabasehan ay ang record ng Philippine National Police (PNP), mas marami pa rin ang mga nahuli at sumuko sa mga isinagawang drug operation kumpara sa mga napatay na nanlaban sa mga pulis.

Kung ang pagbabasehan naman ng mga kontra sa kampanya ni Tatay Digong ay ang mga sinasabing vigilante group na umiikot sa bawat sulok ng bansa at pumapatay sa mga sangkot sa droga ay patuloy nang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang PNP upang matukoy ang mga pagkakakilanlan ng mga ito at mapanagot sa krimeng nagawa.

Para naman sa mga kababayan nating patuloy na kumokontra sa kampanya ng administrasyon ni Duterte laban sa iligal na droga, siguro ay dapat na ninyong baguhin ang inyong pag-iisip dahil bilang Filipino ay dapat na suportahan natin ang ating pPulo sa kanyang adbokasiya dahil tayo naman ang makikinabang nito.

Kung inyong mapapansin, maraming dayuhan ang humahanga at sumasaludo kay Tatay Digong dahil sa walang takot na paglaban nito sa iligal na droga.

Ayon kasi sa mga ito, bibihira sa isang pinuno ng bansa ang magkaroon ng “political will” na katulad ng kay Duterte dahil nagpapakita ito ng tunay na lider na handang harapin ang anomang maaaring mangyari basta matultukan lamang ang problema sa illegal drugs.

Bilang Filipino ay dapat lamang na suportahan natin at tulungan ang ating Pangulo sa kampanyang ito dahil ang makikinabang dito ay ang ating bansa, lalong-lalo na ang mga susunod na henerasyon.

Dapat na rin sigurong tapusin na ng ilang politiko ang kanilang “political interest” para lamang kontrahin ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa iligal na droga upang hindi tayo magaya sa mga bansa na ang nagpapatakbo sa gobyerno ay ang mga drug cartel. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>