DATI rati’y kay mura ng mga bilihin sa Pinas, may libreng suka sa bawat lata ng sardinas.
Iyan ay noong unang panahon pa ngunit ngayon ay wala nang mura.
May tingi pa rin ngunit nasa sachet na.
Dati rati ay mga shampoo lang ang naka-sachet ngunit ngayon, lahat na ng bagay yata ay nasa sachet katulad ng corned beef at mga ulam, kasama pa ang rekado.
Ang sabi ni Jack Enrile, congressman ng lalawigan ng Cagayan, ito ay isang indikasyon ng kakulangan ng murang pagkain.
Ang sachet, ayon sa kanya, ay tanda ng kahirapan ng bayan.
“The prevalence of the so-called sachet economy is a clear indication and consequence of food insecurity, especially among the poor,” ang wika ni Jack.
Bakit ka nga ba bibili ng regular pack na napakamahal kung mayroon namang sachet na pwedeng makabusog sa isang pamilya na hanggang pitong katao?
Sabi ni Jack, kandidato sa pagka-senador, “When one’s budget is not even enough to feed his family on a regular basis, he will not buy products in regular packs or standard sized containers.”
Correct ka riyan, Jack.
Pumunta ka nga sa mga wet market at mga talipapa, araw-araw ay nasa palengke ang mga mahihirap para bumili ng isang supot na bigas, one-fourth kilo ng karne at dalawang pirasong sitaw.
Alaws kasi silang pera.
Alaws pang ref.
Ito ang dahilan kaya inakda niya ang House Bill No. 4626 or the Food for Filipinos First Act.
Ito’y upang matugunan ang national food requirement ng bayan.
“Sa ngayon ay maaaring kasya ang P200 per day sa pagkain ng isang family of six, pero paano na kung tuloy-tuloy ang pagmahal ng mga pagkain?” tanong ni Jack Enrile.


