Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HUSTISYA SA AMPATUAN MASSACRE MASISILAYAN BA?

$
0
0

HINDI natin kailanman malilimutan ang Ampatuan massacre na kinamatayan ng 33 nating mga kapatid sa propesyon.

Namatay rin ang iba pang mamamayan gaya ng mga miyembro ng pamilya ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu at tatlong abogado nito.

Mayroon ding iba pang nadamay.

Maswerte ang mga kasamahan nating nakasakay sa isang van na hindi na humabol sa convoy ng mga biktima makaraan nilang maamoy na may hindi magandang nangyari sa mga ito.

Naganap lahat ito noong Nobyembre 23, 2009 sa Brgy. Salman, sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao.

Patungo noon sa Shariff Aguak ang convoy para sa pagpa-file ng misis ni Gov. Mangudadatu ng kandidatura sa gobernador para sa halalang 2010.

‘Yun pala, dalawang araw bago ang pangyayari, nahukay na ng backhoe ang paglilibingan ng lahat ng mga biktima na palatandaang sinadya ang pangyayari.

MGA KASAMA

Para maipagpatuloy ang alaala natin ukol sa pangyayari na bantayog ng journalismo ng mahal kong Pinas, taon-taon nating ilalathala ang mga pangalan ng ating mga kasamang namatay sa aksyon at pagtupad sa tungkulin ng mga mamamahayag kahit sa oras ng kagipitan at kamatayan.

Heto po sila.

Alejandro “Bong” Reblando ng Manila Bulletin; Henry Araneta – DZRH; Napoleon “Nap” Salaysay – DZRO manager; Bartolome “Bart” Maravilla – Bombo; Jhoy Duhay – Goldstar Daily; Andy Teodoro – Central Mindanao Inquirer; Ian Subang – Mindanao Focus; Leah Dalmacio – Mindanao Focus; Gina dela Cruz – Mindanao Focus; Maritess Cablitas – Mindanao Focus; Neneng Montano – Saksi; Victor Nuñez-UNTV; Ronnie I. Diola-UNTV; Jolito Evardo-UNTV; Daniel Tiamson-UNTV; Reynaldo Momay – Koronadal-based; Rey Merisco – Koronadal-based; Ronnie Perante – Koronadal-based; Jun Legarta – Koronadal-based; Val Cachuela – Koronadal-based; Santos “Jun” Gatchalian – Davao-based; Joel Parcon at mga freelance na sina Noel Decena; John Caniba; Art Betia; Ranie Razon; Archie Ace David; at Fernanado “Ferdz” Mendoza.

Salamat sa inyong pagbubuwis ng buhay upang manatiling buhay ang karapatan para sa malayang pamamahayag.

MGA AKUSADO

Noong 2014, napagpasyahan ng tagausig na itigil ang kanilang pagpiprisinta ng ebidensya at 28 lamang sa 100 nakakulong na akusado ang kanilang nasakop.

Ang pag-uusig sa ibang mga akusado ay nabinbin dahil sa mga maniobra sa korte na nagpatagal ng pagsasalang sa kanila sa pag-uusig sa sala ni Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Gaya ng pag-alaala natin sa ating mga kasamang pinagpapatay, narito rin ang mga ngalan ng mga akusadong pupwede nang husgahan sa korte at para sa katarungan.

Datu Andal “Unsay” Ampatuan, Jr., P/CInsp. Sukarno Dicay, Moktar Daud, Zakaria Akil, Manny Ampatuan, Misuari Ampatuan, PO3 Gibrael Alano, SPO2 Badawi Bakal, Mohamad Balading, PO3 Ricky Balanueco, PO1 Michael Macarongon, SPO1 Samad Maguindara, PO1 Abdulbayan Mundas, PO1 Badjun Panegas, PO1 Samir Solaiman, PO1 Datu Jerry Utto, Armando Ambalgan, Mohades Ampatuan, Salik Bangkulat, Macton Bilungan, Maot Dumla, Nasser Esmael, Edres Kasan, Nasser Talib, Salipad Tampogao, P/Supt. Abusama Mundas Maguid, Ibrahim Kamal Tatak, Rakim Kenog.

Matatandaang namatay na si Andal Ampatuan, Sr. at hanggang ngayon yata ay wala pang linaw sa pagsasama kay Zaldy Ampatuan na kapatid ni Andal Jr. sa kaso.

100 TAON O 300 TAON?

Bago namatay si dating Senador Joker Arroyo, sinabi nitong maaaring aabot sa 300 taon ang paglilitis.

Para naman kay Partylist Congressman Harry Roque, maaaring 100 taon.

Ito’y dahil sa rami ng mga tao at ebidensya na dapat iprisinta ng magkabilang panig na palaging kinukwestiyon sa hukuman.

Iba pa ang mga bangayan ng mga prosecutor at abogado at pagkawala ng mga ito sa serbisyo at pag-atras ng mga ito.

PATAY LAHAT

Kung magkatotoo ang sinasabi ni Sen. Joker at Cong. Roque, anak ng tokwa, patay na tayo lahat bago magkaroon ng desisyon dito.

Tiyak na patay na rin si Judge Solis-Reyes, mga akusado, mga testigo at iba pa.

Hindi kaya pupwedeng pabilisin ang pag-uusig upang makita naman sana natin ang hantungan ng pinagbuwisan ng buhay ng ating mga kasama?

oOo
Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring iparating sa 09228403333 o i-email sa bantiporda@yahoo.com. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>