Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SEC. ANDANAR, NPO SAGIPIN MO!

$
0
0

NAGSIMULA nang kalampagin ng mga empleyado ng National Printing Office (NPO) ang Bureau of Internal Revenue para habulin naman ang ilang accredited security printers na bogus ang business address para malusutan ang pagbabayad ng buwis sa nasabing ahensya.

Pinangunahan ng National Printing Office Workers Association (NAPOWA) ang pangangalampag matapos na mabulgar ang P74-million na anomaly sa kontrata sa Social Security System (SSS) na kung saan ay ang apat na security printers ang binigyan ng kontrata na ngayon lang nangyari bukod pa sa kaduda-duda na pagpoproseso sa nasabing mga ahensiya.

Ang balita ay unang ini-award ang pag-imprenta sa 850,000 na SSS pads na ‘contribution payment forms’ sa Western Visayas Printing Corportation (WVPC) sa pamamagitan ng work order envelope no. 08-2016-3877.

Isang alyas Ruben ang siyang nagmaniobra umano para pahintulutan ding mag-imprenta ang tatlo pang security printers, na kung saan ay ‘di umano’y si NPO Director Sherwin Castañeda bilang chairman ng Bids and Awards Committee.

Ang sinasabing tatlong kontratista na isiningit ng nasabing NPO official ay ang Best Forms security printer na may envelope no. 08-2016-3877A para sa 395,000 pads ng SSS accountable forms na nagkakahalaga ng mahigit sa P34 million; Tri-Print Work na may work order na 08-2016-3877B para sa 200,000 pads na may halagang P17-million at ang Metro Color company na may work order no. 08-2016-38777C para sa 175,000 SSS pads na may halaga namang P15-million.

Ang pinakakontrobersyal sa tatlong ito ay ang Tri-Print Work dahil sa nagpapa-subcontract pa ito sa iba, ang JAT Printing na ang balita ko ay hindi naman ‘accredited’ ng NPO.

Ang matindi mga, pare ko, tila yata bogus din ang office address na ibinigay nito dahil ang office order nito ay nasa Grace Park sa Valenzuela gayong ang tanggapan nito ay nasa Mandaluyong City. (‘Di ba peke?)

Kaya naman naghihinala ang ilang NPO employee kaya ito pinaiimbestigahang mabuti sa BIR dahil hindi natin masabi kasi baka paraan ito para makatakas sa buwis ng BIR. Sana malaman na rin natin ang totoo. Hehehehe. (ITUTULOY) JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>