Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BIKTIMA NG KALAMIDAD AAKSYUNAN NI DIGONG

$
0
0

UPANG tuluyang makabangon sa masamang karanasan ay tutulungan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga pamilyang nasalanta ng kalamidad sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng skills training sa mga apektadong pamilya ay umaasa si TESDA Director General, Sec. Guiling “Gene” Mamondiong na maibsan ang kahirapang nararanasan ng mga ito.

Maging ang mga pamilyang napagkaitan ng tulong noong nakalipas na administrasyon ay handang tulungan ng TESDA at umiikot ang grupo ni Mamondiong sa mga lugar ng Mindanao na napabayaan sa sinapit na trahedya.

Bukod sa skills training ay magbibigay rin ng iba’t ibang serbisyo ang national government upang mapadali ang pagbangon ng mga kababayan nating sinalanta ng mga nagdaang bagyo sa ating bansa kaya saludo tayo sa pamunuan nina Mamondiong at Pangulong Duterte.

Matatandaan nating marami sa ating mga kababayan ang napabayaan at hindi nakatanggap ng tulong sa nakalipas na administrasyon matapos silang tamaan ng trahedya sa mga nagdaang bagyo sa ating bansa.

Sa halip kasi na tulungan ay mas inuna pa ng mga nakalipas na opisyal na unahin ang pagpapalaki ng kanilang mga tiyan kaya ang mga kababayan natin na nangailangan ng tulong ay naiwan sa kawalan.

Nang makarating sa kaalaman ni Pangulong Duterte ang sinapit ng mga kababayan nating ito ay agad nitong inatasan si Mamondiong na magtungo sa mga sinalanta ng bagyo upang mahatiran ng tulong at kung ano pa ang maibibigay sa kanila para naman makaahon ang mga ito sa kanilang kinalalagyan.

Marami sa ating mga kababayang sinalanta ng mga nagdaang bagyo ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahatiran ng tulong bagama’t ilang taon na ang nakalilipas kaya abalang-abala ngayon ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang mapuntahan ang mga ito at maiabot ang dapat nilang makuha mula sa pamahalaan.

Makaaasa ang mga kababayan nating sinalanta ng bagyo na hindi nahatiran ng tulong na maibibigay na sa kanila ngayon ang dapat nilang makuha dahil sa pagiging tapat ng kasalukuyang administrasyon.

Ang pagiging tapat ni Duterte ang tanging kinakapitan ng mga kababayan nating ito kaya maging ang mga opisyal ng iba’t bang ahensiya ay halos hindi nagpapahinga upang maiparating ang tulong mula sa national government. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>