Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

EX-MRT-3 GM AT KASABWAT MALAPIT NANG MAKULONG

$
0
0

MALAMANG na matutuluyan nang makulong sina dating Metro Manila Transit Line-3 (MRT-3) General Manager Al Vitangcol at isang Wilson de Vera kaugnay sa maanomalyang transaksyon na may kinalaman sa tangkang pangongotong sa isang Czecholovakian Firm Inekon Group matapos na maghain ang Office of the Ombudsman ng 2 counts sa kasong paglabag sa Section3(b) ng Anti-Graft and Corrupt-Practices Act.

Ang akala ko kasi ay tuluyan nang mabubulok sa tanggapan ng Ombudsman ang $30-million na tangkang pangongotong nitong sina Vitangcol at De Vera.

Sa record ng Ombudsman ay hindi maitatago ang “milyones na dolyares” na transaksyon na kinasasangkutan nina Vitangcol at De Vera nang tangkain umano ng mga ito na kotongan ang Czech firm Inekon Group para pumasok sa isang joint venture agreement para sa pagmimintina ng pagsasaayos ng linya ng mga tren.

Base sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman, pinipilit daw na kikilan nina Vitangcol at De Vera sa halagang $30-million ang representatives ng Inekon Group sa isang joint venture agreement.

Mantakin ninyo, si De Vera mismo ang tumatayong incorporator ng Philippine Trans Rail Management and Services Corporation (PHTrams), na siya rin ang nakikipag-usap nang direkta kay Vitangcol para makipagtransaksyon sa representatives ng Inekon.

Pero ang matindi nito, sa kabila ng may mga sapat na nakalap na ebidensya laban sa dalawa ay nakapagtatakang patuloy pa rin na itinatanggi ng dalawa ang akusasyon laban sa kanila ni Czech Ambassador Josef Rychtar.

Para malihis sa kinasasangkutang kaso si Vitangcol ay nagbabala ito na sasampahan niya ng kasong perjury ang naturang diplomat o ambassador.

BOOKIES EMPIRE NI KAP. RUEL UNTOUCHABLE

Namamayagpag pa rin ang operasyon ng bookies ng Small Town Lottery (STL) nitong si Kap. Ruel sa San Vicente, Biñan, Laguna pero hanggang ngayon ay hindi pa rin hinuhuli ng kapulisan ng Laguna.

Hindi rin kumikilos si Biñan Mayor Armand Dimaguila at hindi malaman kung magkano, este, dahilan. Bakiiiiit nga ba?

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>