Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

2 SENADOR, MGA KONG, GOB, HENERAL SA DROGA

$
0
0

SINASABING pinal na ang listahan ng lahat ng nakilalang sangkot sa droga, kasama na ang mga nasa pamahalaan.

Dahil ang droga ay itinuturing na pambansang malaking problema, isasalang na ang listahan sa National Security Council para sa kaukulang aksyon.

SIKAT, MALALAKI

Sa listahan ay makikita ang mga sikat at malaking pangalan na itinuturing na “nakagugulat” maging kay Department of Justice Vitaliano Aguirre.

Dahil dito, sinasabi ni Aguirre na hindi lang hanggang kay Senador Leila de Lima ang pinakarurok ng droga sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni Aguirre na hawak na ni Sen. Panfilo Lacson maging ang mga bago, kabilang na ang mga heneral ng pulisya at iba pang sikat at malalaki, na sangkot sa droga bilang mga druglord at narco-politician at protektor.

6 HENERAL NA

Sa testimonya ni Kerwin Espinosa sa Senado, pinangalanan nito si Police General Asher Dolina na humingi sa kanya ng ilang milyon para pambili umano ng sasakyang SUV.

Itinanggi ito ni Dolina subalit kung sino ang nagsasabi ng totoo sa dalawa, bahala na ang mga kinauukulan.

Nauna rito, si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nagsabing sangkot ang limang heneral sa droga.

Sina retired Deputy Director General Marcelo Garbo, Jr., dating National Capital Region Police Office director C/Supt. Joel Pagdilao, dating Quezon City Police District Office director C/Supt. Edgardo Tinio, dating Western Visayas police C/Supt. Bernardo Diaz at Vic Loot na mayor ngayon sa Daanbantayan, Cebu.

Sino-sino pa ba ang mga karagdagang heneral sa listahan ng sangkot sa droga?

8K BARANGAY KAPITAN

Sa listahan ng Pangulo, na siya mismo ang nag-anunsyo nitong nakaraang buwan, hindi lang pala 5,000 kundi 8,000 ang mga kapitan ng barangay na adik at nagluluto ng droga.

Maaaring may kasama na ring iba pang opisyal ng barangay gaya ng natagpuan sa Quezon City na may mga kagawad at tanod din.

Hanggang city councilor pa nga. Kung pakikinggan ang mga taong-barangay sa Metro Manila, hindi imposible ang bilang.

Pero dapat na ikonsidera ang buong Pilipinas na may 54,000 barangay kaya hindi imposible na may 8,000 kapitan mismo ang sangkot sa droga.

6,000 PULIS

Maaaring kabilang ang anim na heneral at iba pang heneral sa binabanggit ni Pang. Duterte na 6,000 pulis na sangkot sa droga.

Maimadyin n’yo ba, mga Bro, kung gaano ka-delikado ang 6,000 pulis na ito? Lahat sila ay armado ng baril na iniisyu ng pamahalaan.

Kung papangalanan sila nang minsanan, problema na malaki ito.

Kung bitbitin nila ang kanilang mga armas laban sa gobyerno, baka hindi makayanan basta na lupigin ang mga ito ng pamahalaan.

Ganito katindi ang problema sa mga pulis. Sila ‘yung naging badigard ng mga may katungkulan at druglord na maiimpluwensya; ninja cop, adik at pusher, partner ng druglords gaya ni Kerwin Espinosa na nagsabing kung nauubusan siya ng suplay ng shabu, mga pulis mismo rin ang kanyang suplayer.

MAYOR, KONG, GOB, JUDGE

Marami pang nasa druglist: mga piskal, judge, mayor, kongresman at gobernador.

Kumpleto, mga Bro, ang rekado ng narco-state o gobyernong hawak ng mga sangkot sa droga.

May mga kapitan at iba pang opisyal ng barangay na dahilan ng cover-up ng maraming adik at pusher.

Kapag may nahuli sa mga sangkot sa droga, may mga piskal at judge na magpapalaya sa kanila. Naririyan din ang mga druglord-protektor na mayor, kongresman at senador.

At naririyan ang mga pulis at military na pinakaepektibong protector-druglord-narco politician sa lahat ng mga sangkot sa droga gamit ang kanilang mga baril, tsapa at uniporme.

Kaya nilang takutin at paluhurin ang lahat, gaya ng ginagawa ng mga vigilante na maraming pulis at military rin ang miyembro, at nagbago lang ang lahat nang dumating si Pang. Duterte na nagdeklara ng giyera laban sa droga, krimen at korapsyon.

TULONG NG MAMAMAYAN

Muli, agree tayo sa sinasabi mismo ni Pang. Duterte na hindi niya kayang mag-isang labanan ang droga.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit ipasasakamay sa NSC ang listahan.

Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit nananawagan siya sa mga mamamayan na tulungan siyang lumaban sa droga.

Tayo ba ay nakahanda lagi na lumaban sa pambansang salot na kinakambalan ng mga krimen at korapsyon?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09228403333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>