Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PARTISIPASYON NG TAO SA PAGSUGPO NG KRIMEN

$
0
0

lily's-files-lily-reyesAKMANG-AKMA sa kasalukuyan ang layuning gustong  isulong ng ACT-CIS (Anti-Crime & Terrorism through Community Involvement & Support) Partylist sa Kongreso, para makagawa ng mga bagong batas para mahikayat at maging aktibo ang publiko sa pakikilahok sa paglutas ng mga problemang  kinahaharap ng bansa partikular na ang problema sa  terorismo at mga krimen.

Ang gustong isulong ng ACT-CIS Partylist na batas ay ang makapagbigay ng karapatan sa mamamayan ng kanilang active role sa paglaban sa terorismo at bigyan din ng mga karagdagang pabuya at pagkilala ang lahat ng mga tumutulong sa gobyerno. Ito ang reaksiyon ng ACT-CIS Partylist sa katatapos na pambobomba sa Boston, Massachusetts, USA.

Sabi nga nitong si  ACT-CIS Partylist Secretary General at nominee na rin, Atty. Samuel D Pagdilao Jr., kung ikukumpara sa US na ang mamamayan nila ay more conscious tungkol sa mga banta ng terorismo, dito sa ating  bansa ay hindi gaanong involved at nakikialam ang publiko sa mga sitwasyon ng terorismo.

Kulang nga naman kasi sa mga polisiya at encouraging measure na magkakaloob ng incentives at proteksyon para sa mga mamamayan na gustong makibahagi at maglaan ng kanilang oras at pagsisikap na makatulong sa gobyerno sa pagsugpo ng terorismo at krimen. At dahil sa pangyayari ng karahasan at terorismo sa Boston, ay lubhang naalarma ang ACT-CIS Partylist , kaya  gusto nilang gisingin ang publiko na maging aktibo sa pakikiisa sa mga komunidad upang maiwasan at mapaghandaan ang terorismo.

Napapanahon na siguro para  bumuo at gumawa naman ng mga batas upang ang mamamayan ay magkaroon ng partisipasyon sa anti-terrorism efforts at bigyan sila ng sapat na kapangyarihan, pagkilala, pabuya at proteksyon. At  ang tanging makapagsusulong nito sa Kongreso ay ang ACT-CIS Partylist na bihasa at may kasanayan sa isyu ng mga krimen.

Natatandaan ko pa ang mga binitiwang salita ni Pagdilao na …“In amending the anti-terrorism law, extensive analysis should be done on loopholes to give balance for the law enforcers, the community, and the accused. We will also inject provisions that will improve networking with the community, a good reward system for informants to come forward, and a good security plan for informants who are willing to come forward to help in the fight against terrorism,”

Isusulong din ng ACT-CIS Partylist ang amendments ng mga probisyon  ng 2007’s Human Security Act (HSA) kasama na ang mga umiiral na batas upang matiyak na ang mga law enforcers at prosecution authorities ay maging mas lalong epektibo sa isyu ng terorismo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>