SINUMPONG na naman si Pangulong Duterte mga suki.
Sinumpong, as in, nagalit na naman sa mga kumokontra sa kanyang pagnanais na sugpuin ang talamak na droga sa bansa.
Kung hindi ba naman talamak ang droga sa Pilipinas, aba’y halos anim na buwan na siya sa puwesto ay mayroon pa ring mga nagtutulak ng shabu.
Parang hindi talaga natatakot mamatay ang mga hinayupak na tulak kahit alam nilang isa-isa nang nagtutumbahan ang kanilang mga kasamahan.
Tutal ay kamatayan ang kanilang hinahanap, bakit nga naman hindi ito ibigay sa kanila? Hindi ba?
Kaya nga naiintindihan natin si Pangulong Duterte kung bakit gayon na lang ang kanyang galit at pagmumura sa mga “human rights advocate” kuno dahil sa pagkontra sa kanyang taos-pusong hangarin na maging malinis sa droga ang Pilipinas.
Kung isasalarawan, itong mga human rights advocate ay yumayakap pa sa mga drug pusher para hindi mapatay.
Kung ganyan nga naman ang kanilang ginagawa, tama ang Pangulo na pati sila ay madadamay nga talaga.
Seryoso si Pangulong Duterte na walang ititirang buhay sa mga salot na tulak.
Kaya kung sino man ang pahara-hara r’yan at niyayakap pa ang mga demonyong tulak, pihado ngang mamamatay din kayo.
Gusto ko ‘yan. Kung bakit? Ayokong dumating ang panahon na ang aking mga anak o buong pamilya ay mabiktima ng mga nagiging demonyo dahil sa droga.
***
SINABI na ni Pangulong Duterte na hindi siya bilib sa Martial Law.
Naniniwala kasi si Duterte na hindi dapat sikilin ang karapatang-pantao.
Kaya nga tingnan n’yo, hinahayaan lang niya ang mga nagra-rally laban sa Marcos burial at sinabihan pa ang mga ito na magprotesta hanggang kailan nila gusto basta huwag lang makaaabala sa mga motorista.
At nakita n’yo ba kung sino-sino ang mga nagpunta sa People Power monument? Naroon sina Mar Roxas, Leila de Lima, Erin Tañada, Rene Saguisag at maraming “dilawan” na sumasakay sa isyu ng Marcos burial para paghimagsikin ang taong-bayan.
Tinatakot pa nila ang mga tao na baka raw muling magka-Martial Law para magalit kay Duterte.
Alam na agad kung ano ang totoong motibo ng rally na ito. Gago lang ang maniniwala pa kay Roxas, lalo na kay De Lima na sinasabing nakinabang sa perang mula sa droga kaya naluklok sa Senado.
Si Marimar naman ay hindi maka-move on dahil sa kanyang pagkatalo.
‘Wag n’yo na kaming lokohin mga tukmol. Tama na ang pagpapanggap n’yong kayo ay makabayan dahil sa totoo lang, kayo ang mga tunay na pahirap sa bansang ito.
Pasuot-suot pa kayo ng kulay itim e ‘yan naman talaga ang kulay ng mga budhi n’yo! Pwe! KANTO’T SULOK/NATS TABOY
