Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SINDIKATO NG TOWING SA MMDA

$
0
0

MASALIMUOT ang unang araw ng Disyembre 2016 para sa inyong lingkod dahil sa karanasan sa kamay ng mga tauhan ng towing truck na accredited ng Metro Manila Development Authority.

Wala na sana akong planong isulat pa ang pangyayari dahil naperwisyo na ako at nasira na ang mga lakad ko na nakaiskedyul ng araw na iyon. Nakausap ko na si Dennis Carcamo, ng MMDA public information office, na ibinigay ang numero ni Atty. Jun Ona, MMDA legal office head, na ipinahanap sa akin ang taong makatutulong sa akin sa pagtubos ng sasakyan ko na binatak ng Dragon V 203 towing truck sa A. Bonifacio Ave. sa Quezon City.

Ipinayo ni Atty. Ona na tubusin ko muna ang sasakyan ko pero ilagay sa resibo na under protest. Inalalayan ako ni Chris Maramba nang magtungo ako sa MMDA impounding sa Ultra Pasig City at sinabi ng Pakurot sa kanya na mabilis na kinabitan ng kadena ng mga tauhan ng towing ng Dragon V na walang plaka ang aking sasakyan. Ipinaliwanag ko na itinabi ko lang ito sa shoulder lane dahil nakita kong biglang sumulpot ang pulang ilaw ng langis at natakot ako na kumatok ang makina. Hindi nila ako binigyan ng pagkakataon na alamin kung ano ang problema sa makina.

Bigla na lang hinatak ng mga tauhan ng towing ang aking sasakyan nang sabihin kong parating na ang mga tao ko na nasa kabilang linya sapagkat malapit lang ang aking pwesto. Upang malaman kung talagang walang sira ang sasakyan ko at nagsasabi ako nang totoo, binigyan ako ng pagkakataon ni Ginoong Maramba na paandarin ang sasakyan ko at nakita naman niyang one click at walang diperensiya tulad ng sinabi ko na itinabi ko lang upang tingnan kung bakit umilaw ang langis.

Napatunayan ng taga-MMDA impounding na hindi nagbigay ng kortesiya ang mga tauhan ng towing na sa totoo lang ay ipinagmalaki pa na taga- gobyerno sila. Naman! Dapat malinawan ng mga nasa towing na accredited sila ng MMDA at I-ACT pero hindi ibig-sabihin na may karapatan na silang umabuso.

Nang kausapin pa ni Mr. Maramba ang representative at sabihing waived na ang ganang para sa MMDA at ipakausap sa akin para sa akin sabihin kung magkano ang danyos na aking babayaran ay sinabihan ako na tanggap niya na hindi nga nagbigay ng kortesiya ang mga tao niya. Kaya lang nagkomento ang representative na wala sa regulasyon ng MMDA sa towing companies na “tulong muna bago batak.”

Sa madaling salita, negosyo lang ang pinag-uusapan ng MMDA at towing companies. Puro pagkita lang ng pera at walang-awang dapat ipagkaloob sa mga motorista. Sindikato malamang ang kalakaran ng mga towing truck sa Kamaynilaan. Aba’y kapag malapit lang, sisingilin ang motorista ng P1,500 tulad ng hatid lang sa gasolinahan. Kapag walang ibabayad ang may sasakyan, sa Ultra, Pasig na ang diretso ng sasakyan.

Matanong ko lang sana si MMDA Chairman Tim Orbos kung bakit pinapayagan ng kanyang tanggapan na mag-operate sa kalsada ang Dragon V na ang towing truck ay wala pang plaka. Malakas siguro sa tanggapan niya ang may-ari ng towing truck na ito. Pakisagot, Ginoong Tim Orbos. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>