Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KILLER-HOLDAPER NG 2 BABAE, MAKARMA SANA KAYO

$
0
0

NAKABABAHALA ang nangyayari sa ating bansa na tila wala nang sini-sino ang mga kriminal.

Mapabata o matanda, lalaki man o babae ay pinapatay ng holdapers kahit nakuha na ng mga ito ang mga kailangan nila sa mga biktima.

Gaya na lang kamakailan na dalawang babae na kapwa ina ng tahanan ang hinoldap ng ‘di pa nakikilalang mga demonyong suspek sa magkakahiwalay na lugar at pangyayari. Matapos na holdapin ay pinagbabaril pa ng mga ito hanggang sa mapatay ang mga biktima.

Sa unang insidente, walang-awang pinagbabaril sa sentido hanggang sa mapatay ng demonyong suspek si Catalina Aguas, ng Brgy. San Isidro, Makati City habang papauwi at ilang hakbang na lang ang layo nito sa kanyang tahanan.

Kitang-kitang sa CCTV kung paano hinoldap at pinagbabaril ng suspek ang biktima habang hawak-hawak nito ang bag na pilit na inaagaw ng suspek hanggang sa sapitin nito ang kanyang kamatayan.

Ang ikalawang insidente ay sa dentistang si Dra. Genevieve Pojida ng San Rafael, San Pablo, Laguna.

Kagagaling lamang ng biktima at ng mga anak nito at kasambahay sa isang pasyalan nang sila ay salubungin ng apat na demonyong suspek.

Pagkababa pa lang ng sasakyan ang mga bata ay sinalubong na kaagad sila ng mga suspek. Mabuti na lamang at mabilis na nakatakbo at nakapasok sa loob ng kanilang bahay ang mga ito.

Pero kasamaang-palad naman, ang biktima ang napagbalingan ng mga holdaper.

Tigmak ang dugo at wala nang buhay nang iwanan ng demonyong mga suspek ang nasabing dentista matapos na makuha na ng mga ito ang dalang pera at mga alahas ng biktima.

Mapapansin ninyo ang kakaibang tema ng kolum ko na tumatalakay sa nakababahalang estilo ng panghoholdap at pagpatay sa mga biktima.

Ang punto ko lang dito ay tanungin ang mga holdaper kung bakit kinakailangan nilang pagpapatayin ang kanilang mga biktima, gaya nina Gng. Aguas at Dra. Pojida.

Nakatutulog pa kaya ang mga demonyong suspek na ito matapos na maisagawa nila ang kanilang karumal-dumal na gawain?

Naisip ba nila kahit minsan na ang kanilang ginawa sa kanilang mga hinoldap at saka pinatay ay pwede ring mangyari sa kanila o kaya sa kanilang pamilya?

Sana ay mangyari rin ito sa inyo o kaya sa inyong pamilya para naman kahit papaano ay maramdaman ninyo ang sakit, hapdi at lungkot na dinaranas ngayon ng inyong mga biniktima.

Tangna ninyo! Mga hindot kayo!

PUWESTO PIHO SA MUÑOZ, TAMBAYAN NG ADIK

Sa Muños, Nueva Ecija ay magdamagan na nagbababad ang drug addict sa operasyon ng puwesto piho ng drop balls at color games nitong si Cathy na hindi man lamang kumikilos si MuñoZ, Nueva Ecija Mayor Nestor Alvarez.

Bakit hindi kumikilos si Mayor Alvarez para patigilin ang puwesto piho na color games at drop balls nitong si Cathy, ano ba ang hinihintay niya? JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>