Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA SCALAWAG SA LTFRB AT LTO, TAMA NA SIBAKIN

$
0
0

ISA-ISA na ngayong pinagsisibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigit sa siyamnapung opisyal at tauhan ng Department of Transportation dahil sa umano’y talamak na corruption sa bawat ahensya nito.

Kabilang sa mga pinagsisibak ni Pang. Duterte ang apatnapung tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board dahil sa paglalabas daw umano ng mga ito ng mga prangkisa kahit itinigil na ng ahensya kapalit ng pera at dahil nakadagdag din ito sa problema sa pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga kalsada.

Bukod sa mga ito, marami rin ang sinibak si Pang. Digong sa LTO. Matatandaang ipinangako ni Pang. Duterte sa kanyang kampanya na ‘pag siya ay nanalo, “there will be no corruption” daw.

Katunayan ay pinagulong na niya ang kanyang pangako at 92 tauhan mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Land Transportation Office ang kanyang sinibak dahil sa kaliwa’t kanang corruption na pinaggagawa ng mga ito.

Kasabay sa ipinangako ni Digong ang pagsasabing kung lilinisin niya ang hanay ng mga ahensyang ito, kailangan ay marinig niya mula sa bibig ng taumbayan na kung wala raw corruption, dapat daw ay talagang wala nang corruption.

Sa aksyong ito ni Pang. Digong ay saludo po tayo sa kanya. Sa wakas ay nabawasan na rin ang mga magnanakaw sa mga nasabing ahensya na siyang nagpapahirap sa bansa.

Biruin ninyo, ultimo janitor at pinakamababang posisyon sa ahensiya ay malayang nakikipagtransaksyon sa usaping may kinalaman ukol sa lisensya, pagpaparehistro, prangkisa at iba pa.

Sana nga’y tuluyan nang hindi makabalik sa kani-kanilang posisyon ang mga kumag na ito para sa ganu’n ay tuluyan nang mabawasan ang mga “anay” na sumisira sa pundasyon ng ahensya.

PASAKLANG MAY ARKILADONG PATAY, OKS KAY MAYOR

Tuloy-tuloy pa rin ang pasaklang may arkiladong bangkay at saklang pwesto pijo nina Nonit Gonzales at Celso alyas Kap. Tisoy sa Malvar St., Poblacion, Padre Garcia, Batangas na ilang metro lang ang layo nito mula sa munisipyo at police headquarters ngunit hindi hinuhuli.

Palibhasa walang ipinagmamayabang ang mga ugok na ito kundi si Padre Garcia Mayor Michael Rivera at si Capt. Fernando Fernando na chief-of-police ng nasabing bayan.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09182974764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>