TUNAY ngang nakababahala ang mga drug dependent dahil wala nang sinasanto ang mga burat na ito.
Maging ang bahay ng Diyos ay hindi na nila pinatawad dahil sa ginagawa na rin nila ito na pagdausan ng kanilang mga shabu session at naganap ito sa isang community church sa Pandacan, Maynila.
Huling-huli sa akto ang walong mga kabinataan habang ang mga ito ay nagsasagawa ng shabu session sa loob pa mismo ng community church sa nasabing lugar. Hindi na ginalang ng mga hindot na ito ang bahay ng Diyos bagkus ginawa pa ng mga animal na ito na dausan ng shabu-session na kanilang bisyo.
Tama nga lamang na balaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga drug addict at drug pusher na ito na huwag na muna silang lumabas ng kani-kanilang mga tahanan hangga’t hindi sila tumitigil sa kanilang bisyong pagdodroga.
Mantakin ninyo, kung matino ang mga naarestong adik na ito na sina Margarito, Gilbert, Ronelo, Marco, Benjamin, Abelardo, Danilo at Velmar ay hindi nila gagawin ang pot session sa loob ng kapilya na itinuturing na ang tahanan ng Diyos.
Ganyan talaga ang naidudulot ng nakadroga dahil kapag nakapag-take na ang isang adik ng shabu ay nawawala na siya sa sarili at wala na siyang sinasanto, maging tahanan man ng Diyos o istasyon ng pulisya.
Kaya ito ang naging rason ni Pangulong Duterte kung bakit kailangan talagang paigtingin pa niya ang giyera kontra-droga dahil sa kabila ng libo-libo na ang namamatay ay patuloy pa rin ang mga salot na ito sa kanilang makamandag na bisyo.
SINA MAYOR AT HEPE ANG INGINUNGUSO NILA
Hanggang ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang pasaklang may arkiladong bangkay at saklang puwesto pijo nina Nonit Gonzales at Celso alyas Kap. Tisoy sa Malvar St., Poblacion, Padre Garcia, Batangas na ilang metro lang ang layo mula sa munisipyo at police headquarters ngunit hindi hinuhuli.
Eh, ang balita, tila sina Padre Garcia,Batangas Mayor Michael Rivera at COP Capt. Fernando Fernando ang mga padrino kaya malalalakas ang loob ng mga ito.
oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09182974764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
