Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAGONG TAON NA NAMAN – 2017

$
0
0

KATULAD ko na isinilang, bininyagan na wala pang malay bilang romano katoliko at lumaki halos sa simbahan bilang tagalingkod ng pari tuwing misa – sakristan.

Matagal na panahon. Mula pagkabata hanggang sa kolehiyo, katuwang ako sa maraming misa, sa maraming oras na magkakaiba. Pinakamaganda ay noong ako ay aktibo sa Cursillo. Feeling banal, eh.

Pero katulad ng anomang bagay o sinuomang tao ay dumarating ang pagbabago. Nagsimula ang aking ibang pananaw sa lipunan nang maging kasapi ako ng makabayang puwersa – KABATAANG MAKABAYAN (KM).

Mula noon hanggang ngayon, hindi nawala sa akin ang mga gabay at aral ng KM (o ng Partido?). Paglingkuran ang Sambayanan!

Sa kabila ng pagiging aktibo ko noon, nakatanaw rin naman ako sa burukratang pista ng mga Kristiyano. Ang Pasko, lalo na ang pagdating ng Bagong Taon. ‘Yun bang inaakala ko na magkakaroon na ng tunay na pagbabago ng buhay dala ng Bagong Taon?

Katulad ngayon, Bagong Taon na naman. Ano ba ang inaasahan nating lahat na magbabago sa ating buhay? Ano ba ang maaasahan ng mga Filipino na bagong buhay ngayon pagdating ng 2017?

Noon kasi, nagsusulat pa ako ng mga gabay ng pagbabago sa aking sarili, Yung “New Year’s Resolution”. Pagbabago mula sa sarili tungo sa pangkabuuan ng lipunan. Katulad ng marami, kabiguan ang lamang.

Ngayon, Bagong Taon na naman, 2017. Ano nga ba ang dapat nating asahan at tanawin na pagbabago bilang indibidwal na mamamayan.
Nakahanda na ba tayo sa isang totohanang pagbabago sa ating buhay?

Kung karanasan ang batayan, hindi darating ang pagbabago sa ating buhay. Sa ating sarili kung hindi tayo mismo ang magpapasya.

Ang pagbabago ay hindi ibinibigay o nagmumula sa ibang tao kundi sa ating sarili lamang.

Ganyan din ang kalagayan ng bansa. Masyado tayong natuto sa tulong ng iba. Panloob at panlabas ng bansa. Inakala natin na tutulungan tayo ng bawat kababayan o maski kasama sa pamilya o mismong ng malalaking bansa na pinaniwala tayo bilang kaalyado at kasangga.

May nagbago ba sa atin mula sa kamay nila? Wala, hindi ba? Ngayon, Bagong Taon na naman. Marahil itama na natin ang maling paniniwala na uunlad tayo sa tulong ng ibang tao.

Hindi totoo. Ang kailangan ay sarili natin ang magbago tungo sa labas ng tahanan.

Karanasan ang may turo. Ang pagbabago na hangad natin tuwing dumarating ang Bagong Taon ay mangyayari lamang sa sarili nating inisyatibo.

MANIGONG BAGONG TAON 2017 SA LAHAT! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Lagarto para colorear


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>