BINIGYAN na ng power ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Justice (DOJ) na bumuo ng isang team na binubuo ng mga de-kampanilyang abogado at accountant para magsiyasat kung sino talaga ang tunay na nakinabang sa multi-bilyong pisong pondo para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda.
Sinimulan nang usisain ni Pang. Duterte kung nasaan na ba talaga ang mga donasyon na nagmula sa iba’t ibang bansa.
Dapat talagang malaman ng taumbayan kung nasaan na ba talaga napunta o ginamit at kung sino-sino ang mga nakinabang dito.
Buong tapang na kinwestiyon ang bagay na ito at ipinag-utos ni Pangulong Digong na kalkaling mabuti kung saan nga ba napunta ang bilyong-bilyong pisong donasyon para sa mga naging biktima ng super typhoon Yolanda.
Nais ding malaman ng Pangulo kung ginamit ang pera na may kinalaman sa money laundering.
Nadismaya kasi si Duterte matapos niyang malaman na libo-libo pang Yolanda survivor ang nananatiling walang permanenteng tahanang matitirahan dahil pawang mga substandard o palpak umano ang mga bahay na ginawa noong panahon ng administrasyon ni Noynoy Aquino at walang kuryente at tubig.
Tama nga lang na dapat malaman ng taumbayan kung sino talaga ang nakinabang at nagpasasa sa mga nawawalang pondo mula sa super typhoon Yolanda at kailangan ay mapanagot ang mga taong pinaniniwalaang nagbulsa ng bilyon-bilyong pondo na inilaan para sa mga biktima.
Kung may nangyaring pagnanakaw sa pondo ng Yolanda, kung sinoman ang mga magnanakaw na ito ay dapat na agad masampahan ng kaukulang reklamo.
Hindi basta pabayaan na lang ang problemang ito dahil ang batas ay batas at ang nagkasala ay dapat maparusahan.
Hindi ko sinasabi na may kinalaman sina dating DILG Sec. Mar Roxas at dating President Noynoy Aquino sa pagkawala ng pondo ng Yolanda tragedy.
Pero kung sakaling sila nga ang may kinalaman, dapat lamang na panagutin ang mga ito.
Kung kinakailangan na ikulong o iprito sa kumukulong mantika ay ikulong at iprito ang mga damuhong ito. Heheheeeeeeeeeeeeee!
BOOKIES NG STL NI ZALDY NG TAYSAN, PADER KAY GOB
Ang isa sa mga nagbu-bookies ng Small Town Lottery (STL) na hindi nagbabayad ng buwis ay itong si Zaldy nag-o-operate sa Taysan, Batangas at walang ipinagmamalaki kundi si Batangas Governor Hermilando Mandanas.
Hindi kaya kay Gov. Mandanas nagbabayad ng buwis ang kumag na magbu-bookies na ito kaya ganoon na lamang kung ipangalandakan niya ang pangalan ni Gob?
oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
