Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TESDA, KAAGAPAY NG MGA BIKTIMA NG BAGYO

$
0
0

NITONG mga nakalipas na pananalasa ng bagyo ay naging aktibo ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang sinalanta ng kalamidad sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa.

Isa sa mga naatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad na magtungo sa mga nasalanta nating kababayan at magpaabot ng tulong ay si TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong na mabilis namang tumalima sa ipinag-utos ng ating Presidente.

Bukod sa pagbibigay ng libreng skills training sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo ay inisa-isa rin ni Mamondiong kung ano pa ang maaaring maibibigay na tulong sa mga kababayan nating hinagupit ng kalamidad.

Sa pagtungo ng ating TESDA director general sa mga lugar na tinamaan ng bagyo ay makikita ang pakikidalamhati ni Mamondiong sa mga ito at bukas-palad din itong nakipagdayalogo sa mga residenteng naapektuhan.

Maliban sa libreng skills training na ibibigay ng TESDA ay magkakaloob din si Mamondiong ng community based training program kung saan ay tuturuan ang mga residente na kumita base na rin sa matatagpuan sa kanilang paligid habang bibigyan din ang mga ito ng karagdagang kaalaman kung paano muling maitatayo ang kanilang mga nasirang tahanan.

Ang ipinakikitang kasipagan ni Mamondiong sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan nating kababayan ay nagpapakita lamang na mayroon itong karakter ng isang pagiging magaling na lider.

Mapapansin din sa ating kasalukuyang TESDA director general na hindi ito nagpapakita ng kapaguran bagkus ay lalo pa itong nagiging masipag upang makapaghatid ng tulong at serbisyo sa ating mga kababayan lalo’t higit iyong mga higit na nangangailangan.

Sa ngayon ay abala pa rin si Mamondiong sa pag-ikot sa bawat sulok ng Pilipinas upang ipabatid sa bawat Filipino ang mga bagong proyekto ng TESDA at kung paano sila makakukuha ng skills training sa mas mabilis na paraan.

Para sa mga kababayan nating nagnanais na makakuha ng libreng skills training sa TESDA ay mangyari lamang na magtungo sa pinakamalapit na provincial o regional offices ng nasabing ahensya.

Pupwede rin namang gumamit ng internet at buksan ang official website na www.tesda.gov.ph para sa karagdagang impormasyon na nais malaman ng mga mamamayan. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>