TULOY-TULOY at wala nang makaaawat na kahit sino sa pamamayagpag ng Quezon City Police District sa laban nito sa droga na pinagmamatigasan ngayon ng magiting na si QCPD District Director Gen. Guillermo Eleazar.
Ang masasabi natin? Gen. Eleazar at QCPD cops, “keep up the good work.”
Simula nang ilunsad ng administrasyong Duterte ang giyera kontra-droga, hindi nag-atubili si Gen. Eleazar na suyurin ang buong kalunsuran ng Quezon para makipaggiyera sa mga hinihinalang drug addict, drug pusher at druglord.
Ang kanyang ginawa ay isa-isa niyang pinasuyod sa mga pulis-Quezon City ang siyam na barangay na hinihinalang lungga ng maraming durugista at tulak.
Kaya, wala pang walong buwan ay siyam nang barangay sa lungsod ang idineklarang “Drug Cleared.” Ang tindi, noh? Ang totoo, anim na buwang kampanya na kontra-droga lamang ang ginawa ng QCPD sa mga barangay na ito.
Kabilang sa mga “Drug Cleared Barangay” ang matatagpuan sa District 1, District 3 at Distrist 4 na dati-rati ay kinatatakutan ng mga tagalungsod dahil dito nga naglulungga ang maraming hinihinalang notorious na drug lord at pusher na nambibiktima ng mga inosenteng mamamayan.
Sa totoo lang, hindi naging madaling matamo ang mga drug cleared na barangay kundi dahil sa matatapang na desisyon sa panig ng QCPD na sibakin ang mga pulis na hinihinalang sangkot sa droga, at mga mapangahas na operasyon na ang ilan ay humantong pa sa panlalaban ng mga suspek.
Kabilang sa mga panuntunang pinagbatayan ng QCADAAC para sa “drug cleared na barangay” ang rekisitos na inilatag ng Department of Interior and Local Government gaya ng aktibong Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC); pagkakaroon ng Ugnayan ng Barangay at mga Simabahan o UBAS partnership; at mga mekanismo ng Mamamayan Ayaw sa Anomalya, Mamamayan Ayaw sa Iligal na Droga o (MASA MASID).
Kasabihan nga na walang hamon na hindi mapagtatagumpayan basta determinado at desidido ang kagaya ni General Eleazar. Sa kanyang liderato, lahat ay magagawa mo, lalo pa’t kaagapay mo sina Mayor Bistek Bautista, VM Joy Belmonte at buong konseho ng QC.
Ang “Drug Cleared Barangay” ay matatawag na natin na hudyat para maging mas masigasig ang iba pang mga barangay sa lungsod sa giyera kontra-droga. Dahil dito, paniguradong magdedeklara rin ang mga barangay ng giyera kontra-droga.
Mabuhay ka, Gen. Guillermo Eleazar! Iba ka talaga. Hehehehe.
INUTIL SA KAMPANYA KONTRA-BOOKIES
Untouchable pa rin ang bookies ng Small Town Lottery (STL) ni Adie Austria sa bayan ng Tayzan, Batangas. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin na pinoproteksyunan ni Tayzan, Batangas chief of police S/Inps. Dante Lalap Majadas ang bookies ni Austria.
Muli, DOJ Sec. Vitallano Aguirre at PCSO Chair Jose Jorge Corpuz, pakipasadahan at isama sa inyong kakasuhan itong si S/Insp. Majadas dahil sa pagiging inutil nito sa kampanya vs bookies ng STL.
oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


