Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KALAWANG SA PNP PAGBABAKBAKIN NA

$
0
0

TATLONG colonel ang isinasangkot ng asawa ni SPO3 Ricky Sta. Isabel na nasa likod ng kidnapping con tokhang for ransom sa pinatay na si Korean national Jee Ick Joo.

Binabanggit naman ng pamunuan ng pulisya na may mas mataas sa mga ito na nasa likod ng krimen at ibig-sabihin, may heneral o kaya’y sibilyan ngunit mataas ang katungkulan.

Kung totoo ang mga ito, aba, nakababahala lalo’t ginagamit ng mga ito ang buong pwersa ng pamahalaan para isagawa ang nasabing krimen.

At lalong nakababahala kung sangkot din sa katulad na kaso ni Ick Joo ang 6,000 pulis na sinasabing “in” sa droga.

KASO SA METRO

Ayon kay Teresita Ang See, dumarami ang kidnapping con tokhang for ransom sa Metro Manila.

Mahigit nang 10 ang naitatalang kaso ng kanyang samahan, lalo na sa Binondo, at mayroon din yata sa Makati.

Sa takot sa mga kidnapper con tokhang dahil pulis nga ang mga ito, mas minamabuti na lang ng mga biktima ang tumahimik. ‘Yung iba === nagbibigay na lang ng ransom.

Isa sa mga istayl na bulok ng mga anak ng tokwang iskalawag na pulis, eh, tatawagan o pupuntahan ang biktima at sasabihin na nasa druglist ito.

Kahit hindi totoo, nagtatago o bumibigay na lang ang biktima.

BIKTIMA SA BULACAN

Sumbong naman ng ating Uzi, grabe ang nararanasan ng ibang mga negosyante, lalo na ang mga Tsinoy, sa ilang bayan sa Bulacan.

Sa dalawang magkadikit na bayan malapit sa Metro Manila na may mga hardware, babuyan at manukan na malalaki, halos lahat na ay nakaranas ng kidnapping-for-ransom, pangingikil at pamamaril kung hindi magbigay.

May kinidnap na may-ari ng hardware at hiningan ng P30-milyon. May hindi nagbigay kaya binaril ito mismo sa kanyang hardware.

‘Yung mga may babuyan at manukan, ganito rin ang kanilang nararanasan.

Humupa nang kaunti ang ganitong kaso nang dumating si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero muling umaarangkada ang kalokohan ng mga iskalawag at mga kasabwat nilang sibilyan o kaya’y mga opisyal din ng pamahalaan o may malaking impluwensya sa pulitika.

TOKBANG ‘DI PATAS

Sa salaysay ng dyowa ni Sta. Isabel, hindi mangingiming itumba ng mga pulis ang kanilang mga kasamahan para lang maisalba ang kanilang mga sarili sa kanilang krimen.

Tatlong kasamahang pulis ni Sta. Isabel ang sinabing pinatutumba ng tatlong superintendent mismo kay Sta. Isabel para maabswelto ito sa kaso ni Ick Joo at maalis na rin sa listahan ng mga suspek ang tatlong colonel.

Totoo man o hindi ito, nakababahala pa rin ito.

Pero sa ganitong modus, ito ang palatandaan na nagpoprotektahan ang mga pulis na tiwali at isinasakripisyo na lang nila ang kanilang mga kasamahan sa oras ng kagipitan.

Ito rin ba ang dahilan kung bakit hindi natotokbang ang 6,000 pulis na sinasabi mismo ni Pang. Digong na sangkot sa droga?

Hindi tuloy mapigilan ang paghinanakit ng mga sibilyan na mabilisang tinutumba ng mga pulis at mga “vigilante.”

Sabi nila, dapat pantay-pantay ang pagtokbang.

PAGLILINIS

Itong si C/Supt. Guillermo Eleazar ay may yagbols sa internal cleansing o paglilinis sa hanay ng pulisya.

Basta napatunayan nito na sangkot sa kagaguhan ang kanyang pulis, mahigpit nitong pinababantayan na walang leakage ang operasyon laban sa mga ito at muling napatunayan ito sa pagkakaaresto ng mga pulis na nangikil sa pamilya ng isang suspek sa nakawan.

P120,000 ang hiningi ng mga pulis sa warrant section sa pamilya at dinampot ang mga iskalawag sa aktuwal na pagtanggap ng salapi mula sa kanilang biktima.

PWEDE KAY GEN. BATO

Pwedeng sampol ni Philippine National Police Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang gawa ni C/Supt. Eleazar.

Lumalabas na walang kaalam-alam si Gen. Bato sa kasong Ick Joo at gustong paikutan ito ng sangkot na pulis.

Sakaling totoo ang sinasabi ng dyowa ni Sta. Isabel, dapat na mabilis na kumilos si Gen. Bato at “ihagis sa dagat” na parang droga ang mga colonel na sangkot sa kaso ng Korean national.

Kung naglalarong-pusit ang mga pulis, kasama ang dyowa ni Sta. Isabel na alam na alam ang pasikot-sikot ng kaso, hindi masamang pagsama-samahin na lang lahat ang mga ito at ihagis sa dagat.

Dapat na hindi masira kundi may patutunguhan ang kampanya ni Pang. Digong laban sa droga, krimen at korapsyon na pinagsama-sama ng mga iskawalag na pulis sa kasong Ick-Joo.

Ang kapakanan at kaligtasan ng bayan at taumbayan sa droga, krimen at korapsyon ang dapat na mangibabaw sa lahat.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09228403333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>