PARA sa mga kongresistang kabilang sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung sinoman kayo, dapat kayo na mismo ang magkusa na lumantad at umamin at gayahin ang ginawang pag-amin ni Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves na rati siyang gumagamit ng illegal drugs.
Buong tapang na inamin mismo ni Rep. Teves na dati siyang adik at lulong sa droga kaya ngayon ay kanyang hinahamon ang mga kasamahan niyang mambabatas sa Kongreso na dapat ay sumailalim sa random drug test.
Kahanga-hanga ang ginawang pag-amin na ito ni Rep. Teves na indikasyon na ayaw niyang mabahiran ng dungis ang lahat ng mga miyembro ng Kapulungan ng Kongreso na masira ng ganoon na lamang sa mata ng taumbayan.
Ang pag-amin ni Teves na siya ay dating biktima rin ng illegal drugs ay bunsod ng ginawang pagbubulgar ni Pangulong Duterte na mayroong dalawang kongresista ang kabilang sa mga narco-list niya.
Kaya hinamon ng nasabing kongresista ang mga kasamahan niya sa Kongreso na sumailalim sa random drug testing upang malaman kung sino-sino ‘yung mga kabilang sa narco-list ng Pangulo.
Sa plenaryo ay pinangunahan ni Teves na hikayatin ang mga kasamahan niyang kongresista at pati na ang mga staff ng mga ito na magpa-random drug test para malaman kung sino-sino ang tinutukoy ni Pangulong Duterte.
Kung sinoman ang dalawang kongresista na kabilang sa narco-list ni Pang. Duterte ay lumantad na.
Huwag na ninyong hintayin na isa-isahin pang banggitin ng Pangulo ang inyong mga pangalan.
Kayo ‘yung mga salot at latak ng lipunan na dapat mawala dahil sa halip na tulungan ninyo si Pangulong Duterte sa kanyang pakikipaggiyera sa droga ay kayo pa mismo ang mga pasimuno sa pagpapalaganap nito.
Nakahihiya kayo, tangna niyo! He..he…he..he.
PADER NA MGA PASUGALAN SA CAVITE
Pahapyaw nating silipin ang puwesto pijo ng color games ng booker ni Kap. Atienza na ang pumo-front ay itong booker na si Mariz sa Dasmariñas at Naic Cavite na kung saan ay sinasabing untouchable.
Hindi nagpapatalo ang pwesto pijo na color games ni Manny sa Brgy. Manggahan sa may Jollibee sa Damariñas, Cavite at kay Malou naman sa Gen. Trias, Cavite.
Pawang pader ang mga pasugalan ng mga operator na ito dahil malalakas sila kina mayor, police provincial director at governor kaya laganap ang mga pasugalan sa Cavite.
oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
