Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAGPATAY SA KOREAN PAMPAGISING

$
0
0

ANG brutal na pagkakapaslang sa isang negosyanteng Korean sa loob ng Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame ay magsilbi sanang pampagising sa hepe ng kapulisan na si Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Dinukot ng mga pulis si Jee Ick Joo mula sa kanyang tahanan sa Angeles City noong Oktubre sa pagkukunwaring iniimbestigahan siya sa droga at pinaslang sa loob ng Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) headquarters sa Camp Crame, pero noong isang linggo lang natuklasan ang krimen.

Ayon sa pagsisiyasat ng Department of Justice, sinakal ang dayuhan hanggang sa mamatay bago ipasunog sa crematorium ng Caloocan City.

Idinetalye ni SPO4 Roy Villegas, isa sa mga suspek, kung paano sila inutusan ng mastermind umano na si SPO3 Ricky Sta. Isabel na balutan ng packaging tape ang ulo ng Korean.

Nakita raw ni Villegas na sinakal at pinatay ni Sta. Isabel ang dayuhan. Sa kabila nito ay nagawa pa niyang humingi ng ransom sa pamilya ng biktima.

Pero ayon kay Sta. Isabel ay sinunod lang niya ang utos ng kanyang opisyal na si Superintendent Rafael Dumlao III na patayin ang Koreano. Na-relieve sa pwesto si Dumlao at isinailalim sa restrictive custody dahil sa pagkakadawit sa krimen.

Mapupuna na ang paglalarawan ni Villegas sa ilang bahagi ng krimen ay walang pinagkaiba sa mga natatagpuang bangkay na biktima ng salvage. Makadaragdag pa ito sa hinala na mga pulis ang nasa likod ng extrajudicial killings.

Bakit nangyayari ang karumal-dumal na krimen na tulad nito? Pulis pa na umaabuso sa kampanya sa droga ang may gawa. Sa halip na tumaas ang respeto at lumakas ang tiwala sa pulisya ay nalalagay ito sa alanganin. Nagkakaroon din ng pagdududa sa ligalidad ng kanilang police operations.

Dapat panagutin ni Dela Rosa ang mga nagkasala. Kailangang salain din ang PNP upang matiyak na hindi ito mauulit.

Hindi ba’t noong isang taon ay naging kontrobersyal ang pagkakapatay ng mga pulis sa pamumuno ni Supt. Marvin Marcos kay Albuera Mayor Roland Espinosa, Sr. sa loob mismo ng kanyang selda?

Kahit “rubout” ang lumabas sa pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation sa kaganapan ay mismong si President Duterte ang dumepensa kay Marcos.

Paano natin aasahan na magtitiwala ang mga mamamayan sa kapulisan kung sila mismo ang sumisira sa pangalan ng kanilang organisasyon?

Maliwanag na magdudulot ito ng panibagong batik sa ugnayan natin sa ibang bansa. Mangangamba rin sa kanilang kaligtasan ang mga dayuhan, lalo na ang mahigit 90,000 Koreans na naninirahan sa Pilipinas.

Nakikiisa ako sa hangarin ni Duterte na dapat walisin ang krimen upang tuluyang malinis ang lipunan. Pero hindi natin ito maisasakatuparan kung mawawala ang tiwala ng mga mamamayan sa mga alagad ng batas na dapat magpatupad nito.

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>