Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

QCPD NI GEN. ELEAZAR, HINDI LULUBAY KONTRA-DROGA

$
0
0

MULING nagpaalala si Quezon City Police District (QCPD) director Chief Superintendent Guillermo Lorenzo Eleazar sa mga sangkot sa kalakalan ng nakabubuwang na droga na tumigil na sa iligal na aktibidad na ito.

Ito’y makaraan ang operasyon ng QCPD Station 6 sa pamumuno ni P/Supt. Lito Patay laban sa hinihinalang notoryus na tulak ng iligal na droga sa Brgy. Payatas kamakailan na humantong sa kamatayan ng suspek.

Ang masakit nito, hindi na nagawa pang magsisi marahil ng suspek matapos itong bawain ng buhay nang isugod ito ng mga operatiba ng QCPD sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Sa naturang lugar ng Lungsod Quezon ang may pinakamaraming residente. Ito ang Area 7 na binubuo ng limang barangay kabilang na ang Brgy. Payatas, Brgy. Commonwealth, Brgy. Batasan Hills, Brgy. Bagong Silangan at Brgy. Holy Spirit.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makahuntahan si Gen. Eleazar kung saan ilang beses nitong nabanggit ang kanyang kagustuhan na maging tinatawag na ‘Drug Clear’ ang buong lungsod.

“Muli po namin pinaaalahanan ang mga sangkot sa illegal drugs na tumigil na at talikuran na ito at magbagong buhay. Mandato po namin ang siguraduhing maging Drug Free ang bawat barangay dito sa Quezon City,” ani Eleazar.

Malinaw ang kanyang punto na hindi ito lulubay sa kanyang kampanya kontra iligal na droga sa lungsod lalo na aniya na buong-buo ang suporta sa kanya ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa pamumuno ni Mayor Bistek Bautista.

Naging malinaw din kay Gen. Eleazar ang mahalagang tulong ni Vice Mayor Joy Belmonte bilang hepe ng Quezon City Anti-Drug Abuse and Advisory Council (QCDAAC) at ng buong lokal na konseho ng lungsod.

Ibinida pa ni Eleazar ang mga bagong sasakyan o mobile na nakatakdang ibigay ng Lungsod Quezon na mayroon nang tinatawag na ‘GPS’ upang matukoy kung nasaan naglalagi ang mobile na ito.

Sa pakikipagtulungan din aniya ng QCDAAC ay nabuo ang koordinasyon ng kanyang tanggapan at ang buong 142 barangays upang matukoy at labanan ang kalakalan ng iligal na droga hanggang sa kasuluk-sulukan ng lungsod.

Kung hindi lulubay itong si Gen. Eleazar sa pagtugis sa mga taong nasa likod ng kalakalan ng iligal na droga sa lungsod aba’y marapat lamang na itong mga adik at tulak na ito na lumubay sa iligal na kalakalan na ito. Kayo rin… nasa huli ang pagsisisi!

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com. EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>