MATAGAL na tayo sa propesyon bilang mamamahayag. Naging kaibigan natin ang maraming pulis, pati na ang mga PNP Chiefs at iba pang mga opisyal. Maganda naman ang aming pagsasama at masaya tuwing nagkakausap sa isang tasang kape.
Napuna natin noon pa, ang mga opisyal ay may bait at paggalang kaninuman. Ang nasa mababang puwesto o ranggo, karamihan at mabait pero marami din sutil. Sila ang mga PUNYETA NA PULIS!
Noon pa man, marami na ang sangkot na mga pulis sa iba’t-ibang krimen. Sabi nga, “you name every crime, they are involved, grossly involved into it!” Punyeta nga sila eh.
Ang nangyari kay South Korean business executive Jee Ick-joo ay hindi espesyal na kaso para sa atin. Hindi lang siya ang biktima ng mga PUNYETA NA PULIS! Maraming dayuhan, huwag na isama ang mga Filipino sa kanilang mga biktima.
Intsik, Tsinoy, Bumbay, Amerikano, Ingles – mga dayuhan na hinuli, hinoldap at ginawa pa na gatasang baka mula sa mga inimbento na krimen laban sa kanila. Ang nakakapunyeta, yung mga totoong dayuhan na may kasong kriminal ay malaya na nakakagala – kung sa magkano man na dahilan!
Malaki ang sindikato ng mga PUNYETA NA PULIS sa larangan ng putahan, kidnap-for-ransom, bank robberies, hulidap, bangketa at lalo na sa iligal na droga. Sa huli, alin sila – protektor o mismong tulak ng iligal na droga sa mga nakukumpiska nila. Opo, NINJA na mga PUNYETA NA PULIS!
Nang maupo bilang pangulo si Davao City Mayor RODRIGO ROA DUTERTE, dahil sa malaking galit niya sa iligal na droga, inutusan niya kapwa ang Pambansang Pulisya at Sandatahang Lakas (PNP-AFP) na tulungan siyang linisin ang lipunan laban sa iligal na droga.
Tiniyak niya sa mga ito, todo ang proteksyon sa bawat pulis at sundalo na tumugon, “at all cost!”
Sa utos na iyon, “nagpista” lalo ang mga PUNYETA NA PULIS dahil NADAGDAGAN SILA NG DAHILAN para lumaki lalo ang kanilang kita.
Bisita, huli at kung ano-anong dahilan sa kanilang mga target na hindi halos namamalayan ng taumbayan, maski na nang mass media!
Ang payo natin kay PNP Chief DirGen RONALD DELA ROSA, huwag ka na muna dumalo sa anumang pasinaya na hindi sangkot ang iyong organisasyon maski na kay Pangulong RODY pa. Alam ko na mahirap pero papaano kung “tumira uli” ang iyong mga PUNYETA NA PULIS?
Ipakita mo na ikaw ang HEPE ng mga hindot na pulis at gawin mo ang pinakamagandang parusa sa kanila. TAHIMIK lang Sir! BALETODO/ED VERZOLA


