Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SAKIT NG KALINGKINGAN, SAKIT NG BUONG KATAWAN

$
0
0

BINUWAG ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) kabilang ang lahat ng lokal na anti-narcotics police sa buong bansa.

Ito ang naging tugon-aksiyon ni General Bato makaraang malagay sa matinding kahihiyan ang PNP dahil sa pagdukot at pagpatay sa loob mismo ng Kampo Crame sa isang negosyanteng Koreano.

Ang mga salarin… mga pulis! Mga pulis na nakatalaga sa PNP-AIDG na ginamit ang OPLAN: TOKHANG ng administrasyong Duterte upang mangulimbat ng sandamakmak na salapi mula sa kanilang kaawa-awang biktima.

Tinagurian tuloy itong TOKHANG FOR RANSOM – isang nakakikilabot na pangyayari sa loob ng PNP na talaga naman umuga sa liderato ni General Bato pero mabuti na lang hindi tinanggap ng Lolo Digong ko ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.

Hindi man lahat ay sabit sa ganitong iligal na aksiyon ay mabuti na rin ang ginawang pagbuwag sa nasabing tanggapan ng PNP upang makapagsimula ng bagong grupo ng pulis para sa operasyon kontra iligal na droga.

Pansamantagal muna ay ipinatigil ni General Bato ang operasyon kontra iligal na droga upang bigyang-daan ang paglilinis o pagpupurga sa kanilang hanay nang sa gayun ay matukoy ang mga tiwaling utak-kriminal na pulis.

Subalit natitiyak kong hindi sapat ang hakbang na ito ng liderato ng PNP. Hindi nito kayang matukoy at maubos ang lahat ng tiwaling pulis sa loob lamang ng maikling panahon. Gugugol ito ng napakahabang panahon, taumbayan!

Kaya sana’y ‘wag nang patagalin pa ang muling pagbabalik ng OPLAN: TOKHANG sa buong bansa. Purgahin na ang dapat purgahin subalit huwag naman sanang isaalang-alang ang giyera kontra iligal na droga.

Sa kinasangkutan ng ilang pulis at opisyal ng PNP-AIDG na nagpasakit sa buong kalamnan ng PNP bilang isang institusyon ay natitiyak kong ramdam ito ng lahat ng pulis sa buong bansa.

Marahil ang ibang pulis ay ayaw munang magsuot ng kanilang uniporme dahil sa kahihiyan na inabot ng institusyon na kanilang kinabibilangan. Tiyak na naging tampulan ng kantiyawan ang ilang mga pulis.

Pero hindi ito dapat magtapos sa ganitong estado. Kailangan ng matinding kilos-aksyon upang muling maibalik ang tiwala ng taumbayan sa PNP. Inaasahan pa rin ng mas nakararaming Pinoy ang serbisyo ng mga pulis.

General Bato, sir… walang masamang ituon mo ang iyong isipan sa paglilinis sa hanay ng buong PNP pero huwag naman sana mailagay sa limot ang nasimulan nang giyera kontra-droga.

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com. EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Best Papa jack Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>