Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PARUSAHAN AT IKULONG

$
0
0

WALANG alinlangan na mabuti ang hangarin ni President Duterte sa kanyang isinasagawang digmaan laban sa iligal na droga, kaya suportado ito ng karamihan ng Filipino.

Sa sobrang galit ni Duterte sa droga ay inatasan niya ang mga pulis na paslangin ang mga suspek na lalaban kapag inaaresto.
Wala raw dapat alalahanin ang kapulisan dahil sagot niya ang mga ito.

Ang pahayag ng suportang ito na ibinigay niya sa mga pinagtitiwalaang alagad ng batas ang maaaring naging susi kaya lumakas ang loob nila para gawin ang anomang gustuhin, nang walang inaalalang pananagutan.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, nakaligtaan umano ng Pangulo na paalalahanan ang kapulisan na mag-operate lamang nang naaayon sa batas.

Ngayon ay nahaharap ang Senado sa pagsisiyasat sa kaso ng negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo na pinaslang sa loob mismo ng police headquarters sa Camp Crame.

Ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang sinibak sa pwesto at kasalukuyang iniimbestigahan sa pagkakadawit sa pamamaslang kay Jee.

Sa pagdinig ng Senado ay nagpakita rin si Lacson ng CCTV footage ng ibang grupo ng mga pulis na makikitang nagtatanim ng droga sa loob ng isang opisina bago magsagawa ng raid.

Noong Nobyembre ay pinangunahan din ni Lacson ang pagsisiyasat sa kamatayan ni Albuera Mayor Rolando Espinosa, Sr.

Pinatay ito ng mga pulis na pumasok sa kanyang selda para magsilbi raw ng search warrant.

Bukod sa kaso ni Jee, pitong miyembro naman ng Angeles City Police ang dinisarmahan, sinibak at inatasang “restricted to barracks” dahil sa pagkidnap sa tatlong Koreano noong Disyembre.

Sangkot daw sa illegal gambling ang mga Koreano pero walang dalang arrest o search warrant ang mga pulis. Kinuha nila ang mga kagamitang pang-golf, sapatos, alahas at laptop mula sa bahay ng mga Koreano. Wala ring reklamo o blotter o rekord sa pag-aresto sa mga ito.

Bukod sa naiabot na P10,000, nangutang pa raw ang mga Koreano ng P300,000 sa isang kaibigan para maibigay sa mga pulis dahil panay ang hingi ng pera ng mga ito.

Hindi maikakaila na maraming pulis ang sangkot sa mga kaso ng pagnanakaw, kidnap, pangongotong at iba pang paglabag sa batas.

Pero sawa na ang mga tao sa simpleng pagsibak at paglilipat ng pwesto sa kanila, na kadalasang nangyayari.

Pagkalipas kasi ng ilang buwan o isang taon ay makikita nilang nakabalik na sa pwesto ang sinibak na pulis. Ang gusto nila ngayon ay maparusahan ang mga ito at makulong.

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>