Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA FIXER SA QC HALL AT PERGALAN SA BULACAN

$
0
0

ISANG mataas na opisyal ang inirereklamo ng mga kasamahan sa Department of Building Official (DBO) sa Quezon City dahil ang opisina nito ay nagiging lungga raw ng mga fixer!

Sa unang tingin ay hindi paghihinalaang mga fixer ang mga hijo de puta dahil kung umasta ay aakalain mong mga empleyado ng DBO! Alam mo ba ito, DBO Chief Isagani Versoza?

Kingna!

Welkam na welkam po Chief Versoza sa opisina nitong opisyal ang mga fixer!

Katunayan, kahit wala pa si opisyal ay nakatambay na sa loob ang kanyang mga fixer at parang mga buwaya na nag-aabang ng masasagpang!

Nagkanerbiyos na nga ang mga kumukuha ng building permit dahil pilit hinahanapan umano ng butas nitong mga fixer ang kanilang mga dokumento.

Si opisyal ay dati nang sinibak sa pinanggalingang departamento dahil sandamakmak ang nakabinbing dokumento na hindi napipirmahan dahil sa ”Tardiness” o madalas na late sa pagpasok.

At kahit dito sa bago niyang tanggapan, “Department of Building Official”, ay palagi pa rin itong “late” pumasok.

Madalas nga ay nauunahan pa siya ng kanyang hepe na si Chief Versoza sa pagpasok sa umaga.

Ang dahilan, parekoy, ayon sa ating tawiwit kung bakit laging ‘missing in action’ itong si opisyal dahil nawiwili raw sa paglalaro ng isang uri ng sport na mayayaman lamang ang can afford.

Hmmm, saan kaya kumukuha ang opisyal na ito ng pantustos sa kinahuhumalingan niyang sport dahil hindi naman kalakihan ang sweldo ni mokong?

Siyempre sa mga fixer na gumagamit ng kanyang opisina! Ehek! Langya ka, sir, sa oras na makarating ang impormasyong ito kay Mayor Herbert Bautista, natitiyak kong may paglalagyan ka.

Sa mga nabiktima na ng mga fixer sa loob ng opisina nitong tarantadong opisyal, bakit di n’yo subukang itext si Pangulong Rodrigo Duterte sa 8888?

Para naman kay Chief Versoza, dalasan mo, sir, ang paglilibot sa mga opisina ng iyong mga opisyal para makita mo kung sino-sino ang mga palagiang nakatambay sa loob para makilala mo kung sino ang pasimuno ng pagdami ng fixer sa iyong nasasakupan.

Ang opisina nga pala ni loko ay maituturing na nasa “floating status.” Hak, hak, hak!

oOo

Gaano kaya katotoo na bagyo sina Jessica at Mike kay Bulacan Acting Provincial Director Romeo Magpili Caramat?

Ito umano kaya ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ang operasyon ng kanilang pergalan sa nasabing lalawigan kahit sangkatutak ang reklamo ng mga residente?

Ang pergalan ni Jessica ay nasa Sta. Maria, Bulacan habang ang kay Mike ay nasa Muzon, San Jose del Monte.

Tanong nga pala: Totoo bang pinasara na ni Sta. Maria Mayor Rusel Pleyto ang pergalan ni Jessica? BURDADO/JUN BRIONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>