LALONG lumakas ang kandidatura at nanguna na sa rating itong si Ali Atienza, dahil sa ginagawang paninira sa kanya ng kanyang mga kalaban sa pulitika sa ika-5 Distrito ng lungsod ng Maynila.
Sinasabi ng mga political observer ngayon na nangunguna na raw itong si Ali Atienza, sa mga survey bilang kandidato sa pagka konsehal ng ika-5 Distrito ng Maynila, dahil na rin sa walang humpay na paninira ng kanyang mga katunggali sa pulitika sa pamilya Atienza.
Sinasabing bad tactics at maruming laro na ang pinagagana ng kanyang mga kalaban ngayon dahil sa takot na malaglag sa puwesto at makapasok si Ali sa mananalong Konsehal, binabaklas ang mga tarpaulin at billboard ni Ali, at pinapatungan ang kanyang mga poster ito ay isang pangit at desperadong gawain ng takot matalo sa eleksyon! Tsk, tsk, tsk…kawawa naman ang mga gumagawa nito, hindi marunong lumaban ng parehas.
Alam kaya ng mga kalaban nitong si Ali na sa kanilang ginagawang paninira at banat ng patalikod sa pamilya Atienza ay lalo lamang itong nagkakaroon ng simpatya sa mga residente at botante ng ika-5 Distrito ng Maynila.
Alam din kaya ng mga katunggali ni Ali sa pulitika na majority ngayon ng mga barangay official, kagawad at tanod sa 5th District ng Maynila ay sumusuporta na kay Ali, bukod pa rito ang mga naunang NGO, kababaihan, kabataan, mga TODA at tricycle, Manila Youth Organization, Religious Group at mga negosyante.
Wala nga namang naririnig na magandang nagawa at planong gagawin ‘yung mga incumbent na panay ang ngawngaw sa kanilang mga caucus at puro paninira lamang ang mga sinasabi.
Kaya nabubuwisit tuloy at naiinis ang mga nakikinig na botante dahil ‘dun sa mga ginagawa nilang paninira.
Sigaw nang sigaw ng pagbabago, e, bakit hindi nga naman nila ginawa ‘yung pagbabagong isinisigaw nila noong nasa puwesto sila? ‘Di ba sila ‘yun? Pwe!!
Gusto ng mga tao si Ali dahil kahit wala ito sa gobyerno ay mayroon nang mga napatunayan at nagawa para sa Manilenyo.
Napaganda ni Ali ang kapaligiran, nailawan ang mga park sa Maynila, nakapamahagi ng mga bigas at nakatulong sa mga magulang.
May mga kabataang tinuruan sa sports na ngayon ay mga sikat na, at marami pang iba.
Ngunit ang lahat ng mga iyon ay hindi ipinangangalandakan ni Ali bagkus ay nanahimik lang ito.
Kapag nakaupo na sa konseho ay plano at gustong gawin ni Ali sa Universidad de Manila at Pamantasan ng Lunsod ng Maynila (PLM) na kapwa pinopondohan ng City of Manila ay maging exclusive school ito para sa mga Manilenyo.
