Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PJ’S DREAM FOR NAVOTEÑOS

$
0
0

bong_padua1SA maraming lugar ng informal settlers sa Navotas, maliwanag na hindi nagsisinungaling ang nakikitang  uri ng buhay ng mga mamamayan.

Ang ingay sa paligid na nagmumula sa kalalakihang  istambay at naghihingutong mga kababaihan ay patunay na ‘di umuusad ang buhay.

Dahil sa kawalan ng pagkakakitaang trabaho, ang mga residente rito’y patuloy na dumaranas, lumalaban sa kasalatan ng buhay.

“Sila ang dahilan kaya ako’y tumatakbo sa pagka-alkalde”, ayon kay Vice Mayor Patrick Joseph Javier nang siya’y aking makausap.

Nakatapos ng tatlong termino bilang City Vice Mayor at aniya, “Nais kong ipagpatuloy ang nasimulang serbisyo sa aking mga kababayan. Prayoridad kong makagawa ng pamamaraan para magkaroon ng trabaho ang mga kapus-palad na residente dahil walang kabuhayan.”

Pangarap niyang kasabay ng pag-unlad ng Navotas ay makitang progresibo rin ang buhay ng bawa’t Navoteño.

‘Di man direktang inamin sa akin, nararamdaman ko na siya’y dismayado at ‘di natutuwa sa kalakaran at mga nangyayari sa Navotas.

Napag-alaman ko na kapag sinuwerte, uunahin niyang harapin ang kapakanan at ikabubuti ng nakararaming naghihirap na Navoteños.

“Dahil ang prayoridad ay ‘di sa mapagkunwaring proyekto kundi sa pagkakaroon ng hanapbuhay ng mga kababayan,” anang suppor-ters.

Si PJ ay galing sa pamilyang matagal na nagserbisyo –  ang kanyang ama at lolo ay naging alkalde ng Navotas ng maraming taon. “Sa kanyang ama at lolo minana ang pagseserbisyo kaya ipinagpapatuloy lamang ni Vice Mayor ang ginagawang pagseserbisyo sa tao”.

Sa plataporma nakalista, bukod sa hanapbuhay ay tunay at ‘di inuupahan na pabahay na magiging ari-arian ng mga nakatira pagdating ng araw.

Iba’t iba pang programa ang aking natanglawan sa kanyang plataporma na una at higit na mabibiyayaan ang mga kababayang Navoteño.

Sa aking konklusyon, ang bawa’t Navoteño ay mahalaga kay VM Javier dahil ang plata-porma ay nakatuon sa kanilang kapakanan.

Mangyayari kaya ang pangarap ni PJ para sa kababayang Navoteños. Maganda ang kanyang hangarin, dapat siyang suportahan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>