Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PINOY DAPAT IPAGPASALAMAT ANG PAGIGING PANGULO NI DIGONG

$
0
0

ANG pagiging Pangulo ng isang bansa ay hindi madaling trabaho dahil maraming problema ang dapat mong bigyan ng solusyon bukod pa sa pambabatikos ng mga taong hindi naniniwala sa iyong kakayahan.

Hindi naman ito naging sagabal kay Pangulong Rodrigo Duterte bagkus ay lalo pa nitong pinursige ang pagsasaayos sa bansa at pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Filipino.

Nang simulan ni Pangulong Duterte ang pamumuno sa Pilipinas ay nagsimula na rin ito sa pagpapatupad ng mga batas at alituntunin na magbibigay sa bansa ng maayos at tahimik na pamumuhay.

Kabi-kabila ang sinimulang infrastructure projects na makatutulong sa pagpapaunlad sa bansa at abala rin ang Pangulo sa paglutas ng iba pang problema na kinahaharap ng Pinas, partikular na ang tungkol sa iligal na droga, korapsyon, kahirapan at iba pang krimen na labis na nakaaapekto sa ating kabuhayan.

Dahil sa ipinakikitang dedikasyon sa kanyang trabaho ay lalong humanga ang mga Filipino sa abilidad ni Duterte dahil nakikita nila sa ating Pangulo ang ugali ng tunay na pinuno ng bansa na handang isakripisyo ang sarili para lamang maiayos ang Pilipinas.

Hindi rin nagpapatinag si Duterte sa usapin ng iligal na droga dahil patuloy ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) sa pagtugis sa druglords at iba pang nagpapakalat ng naturang masamang bisyo, kahit na may mga tumututol dito.

Ayon pa kay PNP Chief, Dir. Gen. Ronald dela Rosa, hanggang masaya ang mga Filipino dahil patuloy ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga ay hindi sila titigil hanggang hindi nauubos ang mga nagpapakalat nito.

Bukod dito, patuloy ang pagbibigay ng administrasyon ni Duterte ng mga makabuluhang proyekto sa mamamayan at walang pagod din itong nagtutungo sa mga liblib na lugar sa buong bansa upang alamin ang kalagayan ng ating mga kababayan at upang mabigyan sila ng tulong para sa kanilang kabuhayan.

Bagama’t wala pang isang taon sa kanyang tungkulin si Pangulong Duterte ay nararapat lamang na ngayon pa lamang ay pasalamatan na ito ng mga Filipino dahil sa kanyang pagsisilbi ng tapat para sa tunay na pagbabago sa ating bansa. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Lagarto para colorear


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>