Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

USAD-PAGONG ANG ELECTORAL PROTEST NI BBM SA PET, BAKIT?

$
0
0

TILA napakabagal ang usad-pagong na resulta sa electoral protest na inihain ni dating Senador Bongbong Marcos sa Presidential Electoral Tribunal sa Supreme Court.

Nakapagtataka kasi kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring resulta kung sino talaga ang tunay na nanalo bilang Vice President noong 2016 election.

Noong pang June 29, 2016 na nakapag-file ng electoral protest si Marcos laban kay VP Leni Robredo pero hanggang ngayon ay wala pa ring resulta na ipinalalabas ang PET.

Kung inyong matatandaan, noong 2010 election ay nag-file rin ng electoral protest si Mar Roxas laban kay dating Vice-President Jojo Binay pero halos tumagal lang ng walumput tatlo araw (83 days) ang bilangan at mabilis na nailabas ang resulta ng PET na si Binay ang nanalong VP.

Kung tutuusin, sa nasabing botohan ay napakalaki ang naging lamang ng boto ni Binay kay Roxas kung ikukumpara ninyo sa boto ni Robredo laban kay Marcos pero ng bakit hanggang ngayon ay wala pa ring resulta ang nasabing protesta ni Marcos?

Ano kaya ang dahilan kung bakit nabibinbin nang napakatagal ang electoral protest ni Bongbong sa Electoral Tribunal laban kay VP Robredo?

Hindi kaya na may kinalaman dito si SC Justice Alfredo Caguioa na dating classmate at in-appoint ni ex-President Noynoy Aquino sa Korte Suprema? Ang balita ko nga ay si Justice Caguioa ang siyang may hawak ng electoral protest ni Bongbong kaya siguro na hanggang ngayon ay nakabinbin ang kaso sa PET.

Ang pinagtatakhan ko lang ay tila walang delikadeza itong si Justice Caguioa dahil sa kabila ng appointee siya ni PNoy na kilala na magkalaban sa pulitika ang dalawa ay hinawakan pa rin niya ang electoral protest ni BBM. Puwede naman niyang tanggihan ang nasabing protesta dahil sa magiging bias ang magiging desisyon niya rito.

Kung may natitira pang “delikadeza” si Justice Caguioa ay mag-resign na siya para mabigyan ng daan ang maayos at patas na bilangan sa PET.

PASUGALAN SA CAVITE, PATULOY

Sa lalawigan ng Cavite, patuloy ang operasyon ng bookies ng Small Town Lottery ni Mamang sa Brgy. Luzviminda, Dazmariñas, Cavite na hindi man lamang ipinahuhuli ni Cavite Provincial Director Supt. Arthur Bisnar.

Maging ang pasaklaang may patay at saklaang walang patay ni Erick ay patuloy pa rin na ino-operate nito sa Cavite City.

Habang itinatanggi ni Supt. Bisnar ay patuloy naman ang talamak na pangongolekta ng isang Major. Cawatan sa mga iligalistang ito.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>