PATULOY na hinaharap ni Col. Hanzel Marantan ang kasong “maramihang pagpatay” kaugnay sa naganap na masaker sa Atimonan, Quezon. Sa nasabing insidente, 13 katao ang namatay kasama ang pangunahing target ng operasyon, ang gambling lord na si Vic Siman.
Sa pagsisiyasat ng NBI, agawan sa teritoryo ng operasyon ng iligal na sugal sa Laguna ang posibleng sanhi ng paglikida kay Siman. Karibal kasi ni Siman sa iligal na gawain ang isang Tita Dinglasan na pinaniniwalaang protektado ni Col. Hanzel Maran-tan. And the rest is history!
Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Vic Siman, ang kanyang mga kasamahang walang awang pinagpapatay and, of course, maging ang kaluluwa ni Col. Marantan! Ehek!
Bakit natin naurirat itong kaso ng Atimonan massacre? Dahil po ang luklukan bilang “gambling king” ng Laguna na nabakante dahil sa pagkamatay ni Siman ay kasalukuyang inookupa ng isa na namang police colonel!
Pakuya-kuyakoy pa, parekoy, sa kanyang puwesto bilang bagong “gambling king” ng Laguna itong si Col. Corrupt!
Kung sa kaso ni Col. Marantan ay isa lang itong protector, ngayon ay mismong si Col. Corrupt ang “king” ng iligal na sugal sa buong Laguna na may codename na Roly.
Ito ay kasalukuyang namamayagpag sa San Pablo, Calamba, San Pedro at Sta. Rosa.
Milyones, parekoy, ang daily collection nitong operasyon ni Col. Corrupt kaya nga kayang-kaya niyang busugin ang lahat mula sa Regional at Provincial offices ng PNP hanggang sa mga COP.
Dito rin nanggagaling ang ibinibigay niya bilang contribution sa campaign funds ng mga lokal na opisyal kapalit ng kanilang pananahimik! Maging ang “tara” tuwing Biyernes para sa DILG, NBI at CIDG ay regular itong ipinararating sa pamamagitan ng katiwala ni Col. Corrupt dito sa kanyang codename ROLY.
Wala na ring humpay ang pagbabanta sa mga buhay ng ilang kubrador at kabo na sila ay isi-Siman kung hindi magre-remit sa codename ROLY!
Sa sirkulo ng iligal na sugal, lalo na sa Laguna, ay alam na ang ibig sabihin ng isi-Siman.
Igagaya ka sa pagpatay na ginawa kay Vic Siman!
Ngayon pa lang ay pinaaalalahanan na natin ang DOJ at maging si SILG Mar Roxas na hindi malayong maganap muli ang Vic Siman incident!
Compliments from Col. Cor-rupt ng PNP Region 4-A.