Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CACDAC, SIBAKIN SA OWWA

$
0
0

ITINUTURING na bagong bayani ang overseas Filipino workers (OFWs) dahil napakalaking papel ang ginagampanan nila sa ekonomiya ng Pilipinas. Kaya, nararapat lamang na hindi pinababayaan ng pamahalaan, partikular na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang OFWs.

Hindi kaila sa atin na maraming kababaihang OFW ang nagagahasa, napagsasamantalahan, hindi napasasahod ng kanilang amo, at nakatakdang bitayin, ngunit pinabayaan ng OWWA. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 80 OFW, kabilang si Mary Jane Veloso, ang mga nakasalang na bitayin.

Ang OWWA na pinamumunuan ngayon ni Hans Leo Cacdac ay ahensya ng pamahalaan na inaasahang tumulong at mag-asikaso sa lahat ng OFW. Dapat tinututukan ni Cacdac ang OFWs dahil ang OWWA ay itinatag upang asikasuhin at intindihin ang kapakanan (welfare) ng OFWs.

Dapat huwag kalimutan ni Cacdac na ang bawat OFW ay malaki ang inaaambag sa OWWA. Ang bilyon-bilyong pera ng OWWA ay galing sa bulsa ng milyon-milyong OFW.

Sabi nga ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang kita ng OFWs na ipinapadala sa kanilang pamilya at kamag-anak dito sa Pilipinas ay malaking tulong sa pagsulong at pag-angat ng ekonomiya ng bansa dahil nagkakahalaga ito ng $25-bilyon taon-taon.

Ngunit, kung nagagahasa, napagsasamantalahan, hindi napasasahod nang wasto, at nagkakakaso ay napababayaan ng OWWA. Hindi na iniintindi ang kapakanan ng OFWs, gaya ng ipinakikita ni Cacdac.

Sa panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III, si Cacdac ang hepe ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Nang maging Pangulo si Rodrigo Duterte, ginawang administrador ng OWWA si Cacdac kahit palpak ito sa POEA. Palagay ko, ang ‘ninong’ ni Cacdac sa Malakanyang ay nauto si Duterte, kaya nabigyan pa rin ng pwesto si Cacdac kahit tapos na ang termino ng boss niyang si Aquino.

Wala akong nabalitaang kagilas-gilas na ginawa si Cacdac simula nang maging administrador ito ng OWWA. Wala pa akong nababalitaang ginawang aksyon ang OWWA para sa OFWs na nahaharap sa iba’t ibang problema sa bansang pinagtatrabahuan nila.

Sa madaling salita, palpak si Hans Leo Cacdac. Kaya, nararapat lamang na sibakin na ni Duterte si Cacdac. Hindi na dapat panatilihin ni Duterte sa pwesto ang mga taong bata ni Aquino, lalo na kung wala namang itong napatunayan habang opisyal sa alinmang ahensya ng pamahalaan tulad ni Cacdac.

Kapag panatilihin pa ni Duterte si Cacdac sa OWWA, nangangahulugan lamang na nagdala ng kalawang si Duterte na makasisira sa kanyang administrasyon. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES