Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SANDATA

$
0
0

PANAHON na naman ng pagtatapos sa mga paaralan. Graduation na naman.

May bagong tawag ngayon sa mga elementary at high school – moving up. Excited ang marami sa kanilang graduation, sa wakas nakatapos na rin.

Pero asahan na nating may mga article na lalabas soon tungkol naman sa kung gaano karami ang mga magtatapos sa kolehiyo at kung may sapat bang trabaho na naghihintay para sa kanila.

Taon-taon, libo-libo ang nagtatapos tuwing ganitong panahon at laging isyu ang sinasabing kulang na trabaho para sa mga graduate.

Pero kahit hindi natin masabi sa ating graduates na madali nang makahanap ng trabaho ‘pag nagtapos na ng pag-aaral sa kolehiyo, hindi pa rin natin kailanman dapat i-discourage ang mga bata na mag-aral, magtapos hanggang kolehiyo dahil iba ang may pinag-aralan.

Iba pa rin ang may diploma, na magiging sandata para magtagumpay sa mga hamon ng buhay.

Walang dapat na maging hadlang para makatapos sa pag-aaral, lalong hindi ang kahirapan. Hindi na uso ang sabihin na dahil mahirap ay walang pagkakataong magtapos at makakuha ng sandata sa buhay – ang diploma.

Napakarami nang kwento tungkol sa mga mahihirap na nagsikap, nag-aral, nagsakripisyo, nagtapos at nagtagumpay.

Kailan lang ay napanoon natin sa TV ang kwento ni Jireh Bautista, anak ng isang sapatero, nag-graduate na Summa Cum Laude sa kursong computer engineering. Mahirap ang magulang pero lahat silang magkakapatid ay nagtapos at nagka-diploma.

May kwento rin kay Joyce Dublin na isang habal-habal driver, nagtapos ng kursong Math at Magna Cum Laude naman.

At nakahahanga rin ang kwento ni Erwin Macua, isang security guard sa St. Theresa’s College sa Cebu rin, nag-aral habang nagtatrabaho sa STC, 7 AM to 7 PM ang duty niya, pero pagkatapos ng 17 years ay natapos siya ng kolehiyo sa eskwelahan kung saan siya nagtatrabaho, sa kursong General Education, Cum Laude!

Ilan lang ang kwentong ito na nangyari lahat sa Cebu. Ilan pa ba ang kwento tulad nila na nagpapatunay na ‘pag ginusto ay pwede, at walang hadlang kung gusto nating maimprove ang ating buhay.

Congratulations sa lahat ng graduate ng school year 2016 2017. Mabuhay kayo at good luck. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Best Papa jack Love Quotes