TILA umabot na sa sukdulan ang iringan ng dalawang Kongresista na kapwa pa naman matitinding kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na maghain ng kasong graft sa Ombudsman si House Speaker Bebot Pantaleon laban kay Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio Floirendo, Jr.
Talagang hindi na pinalagpas pa ni Speaker Pantaleon ang galit nito kay Floirendo kaya tinuluyan niyang kasuhan sa Ombudsman ang mambabatas ng Davao del Norte.
Nakasaad sa reklamo ni Speaker Alvarez sa Ombudsman na ni-labag daw ni Floirendo ang Section 3 ng Republic Act. No. 3019 na mas kilala sa Anti-Graft and Corrupt Practice Act.
Sa awayan ng dalawang mambabatas, masasalamin natin na tila matindi ang pinag-ugatan ng iringan ng dating matalik na magkaibigan na kapwa kaalyado ni Pangulong Duterte.
Sa panig ni Speaker Alvarez, nag-ugat daw ang kanilang iringan sa pagpasok sa maanomalyang kasunduan ng Tagum Agricultural Development Company, Inc. (TADECO) na pag-aari ng mga Floirendo sa isang agricultural business na pagtatanim ng mga saging sa lupa na pag-aari ng Davao Penal Colony (DAPECOL) sa pangangasiwa ng Bureau of Corrections (BuCor) noong 2003.
In short, hindi nasunod kung anoman ‘yung naging kasun-duan ng TADECO at ng DAPECOL (Eh, hindi lang natin alam kung ano ‘yung sinasabi na maanomalyang transaksyon sa loob ng 25 years).
Ang tanong, ano kaya ang tunay na dahilan sa awayan ng dating magkaibigan na ngayon ay magka-away nang mortal?
Kung hindi sa bebot o sa saging, ano kaya?
PADER PA RIN ANG MGA BOOKIES SA CAVITE
Hindi pa rin tumitigil sa pag-operate ng bookies ng Small Town Lottery (STL) itong si Mamang sa Brgy. Luzviminda, Dasmariñas, Cavite dahil ipinagmamalaki na suportado siya ng kapulisan.
Ang matindi ay hindi kumikilos si Cavite Provincial Director Supt. Arthur Bisnar para ipatigil ang lantarang pagpapa-bookies ng STL ni Mamang sa nasabing bayan.
oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA