Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAUTE GROUP TABLADO KAY BISTEK, ARESTADO KAY GUILOR

$
0
0

MAKAILANG beses itinanggi ng Armed Forces of the Philippines ang presensya ng Maute Group sa Metro Manila pero kinokontra naman ito ng Philippine National Police sa pagsasabing nasa Kamaynilaan na ito.

Noon pa lang 2008, nakikisalaula na ang ilang miyembro ng sindikatong ang trabaho ay mangidnap at ipatubos sa malaking halaga ang kanilang biktima.

Nagaganap ito sa Mindanao subalit ang kanilang kita sa masamang gawi ay dinadala sa Kamaynilaan bilang puhunan sa negosyong ukay-ukay o mga damit at iba pang gamit ngunit front lang sa kanilang masamang pakay sa Kamaynilaan.

Marami sa mga miyembro ng Maute ang nagkukunwaring negosyante subalit ang kanilang ibinebenta ay hindi lang mga gamit kundi maging bawal na droga na nakapaloob o nakatago sa kanilang mga paninda.

Ilang maliliit na mall sa Novaliches sa Quezon City ang kanilang ginawang pugad at hindi iyon kaila sa ilang opisyal ng pulisya at QC Hall.

Lumakas ang iligal na aktibidad ng grupo at nagtuloy-tuloy dahil na rin sa kanilang kaugnayan sa ilang matataas na opisyal noong panahong iyon.

Ilang opisyal pa nga ng lungsod ang nagtangkang sirain ang kredibilidad ni Mayor Herbert Bautista sa pagsasabing may kinalaman ito sa bawal na gamut.

Pero may kasabihan nga na “You cannot put a good man down” kaya marami ang hindi naniwala sa paninira sa butihing alkalde.

Kaya nga upang maputol ang haka-haka na may kaugnayan siya sa masamang gawain ng grupo, kaagad na kinausap ni Mayor Bautista ang district director ng Quezon City Police District na si C/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar para maaresto ang mga miyembro nito.

Kamakailan ay naaresto sa Salaam Cmpd. sa Brgy. Culiat, Tandang Sora ang sinasabing nag-iwan ng bomba malapit sa US Embassy at nagtangkang magpasabog sa Rizal Park na si Nasif Ibrahim. Nahuli rin ang dalawa pang kasamahan nito sa sumunod na operasyon.

Malaki ang tiwala ni Mayor Bistek kay QCPD Director Eleazar at naniniwala ang una na marami pang mahuhuling miyembro ng Maute Group na nasa lugar ng Novaliches.

Tuloy-tuloy lang ang pagsasaayos ng kapayapaan nina Bistek at Guilor kaya patuloy ang pagbaba ng krimen sa lungsod. Kapwa nagpapasalamat sa isa’t isa ang dalawa dahil sumusuporta ang alkalde sa mga pangangailangan ng lokal na pulisya upang masugpo ang krimen na isa sa pangunahing adhikain naman ng ama ng QC. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>