Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WALANG KASO SA OMBUDSMAN

$
0
0

IDINIIN ni Supt. Genesis Tolejano sa inyong lingkod na walang kasong isinampa laban sa kanya sa Office of the Ombudsman.

Nangangahulugang hindi siya korap o nasangkot sa anomang iligalidad sa matagal na pagseserbisyo niya sa Philippine National Police.

Inalam ko rin kung may asunto siya sa Internal Affairs Service ng PNP at National Police Commission ngunit walang Supt. Genesis Tolejano na inereklamo sa kasong korapsyon simula nang itatag ang PNP noong 1990s.

Ang pahayag ni Tolejano sa akin ay pagsalungat niya sa batikos natin na inabot niya sa kolum na ito mahigit isang taon na ang nakalipas.

Ibinunyag natin na ang tanggapan ni Tolejano (hepe ng Maritime Police sa National Capital Region) ay pinararatingan ng P100,000 – P150,000 kada isang linggo ng mga nagpapatakbo ng iba’t ibang iligalidad sa Navotas Fish Port, kabilang na ang sindikato ng iligal na droga.

Pagkaraan ng ilang buwan, inimbestigahan natin ang naturang impormasyon laban kay Tolejano at lumilitaw na mga pekeng mamamahayag o hao-shao ang nagparating ng impormasyon.

Lumilitaw na tinabraho si Tolejano ng pangkat ng hao-shao na pinamumunuan ng reporter na nakabase sa Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela (CAMANAVA) para makapangkikil gamit ng inyong lingkod.

Ang mahalaga ngayon, batay sa rekord ng Office of the Ombudsman, IAS at Napolcom, walang kaso ng katiwalian at korapsyon si Supt. Tolejano.

Nabatid din natin na hinirang na “tapat” na hepe ng pulisya ng Navotas City noong 2005 dahil sa pagsauli ng mahigit P1-milyon sa negosyanteng biktima ng mga magnanakaw.

NAKAHANDA ANG CEMO

MAWAWALAN ng tubig ang Barangay 165 – 167 ng Lungsod ng Caloocan.

Dahil dito, inatasan kaagad ni Mayor Oscar Malapitan ang Caloocan Environnmental Management Office (CEMO) na tiyaking mararasyunan ng tubig ang nasabing mga barangay upang mayroong magamit ang mga residente.

Ganyan si Malapitan, mabilis kumilos.

===
Problema at hinaing n’yo, itawag o i-text sa 09985650271. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES