Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HINDI MATATAWARAN ANG KAKAYANAN NG QCPD

$
0
0

HINDI matatawaran ang kakayahan ng Quezon City Police District sa pamumuno ni Director Gen. Guillermo Eleazar sa pagresponde sa kaliwa’t kanang insidente ng krimen sa lungsod nilang pinaglilingkuran.

Kabilang sa mabibilis na naaksyunan ng mga pulis ni Gen. Eleazar ang pag-iiskwat muli ng grupo ng KADAMAY sa isang private property sa Apollo St. sa Tandang Sora sa nasabing lungsod.

Napag-alaman na noong nakaraang taon ay dinemolis ang mga istruktura sa lugar at pinaalis ang mga informal settler sa utos ng Mababang Hukuman na pumabor sa may-ari ng property na sina Reynaldo Guiab at Jose Gil Gonzales.

Mantakin ninyo, nitong Abril 2, 2017 ay pwersahang inukupahan ng Kadamay ang lugar. Kinabukasan din ay iniutos ni Gen. Eleazar ang joint operation ng iba’t ibang unit ng QCPD para paalisin ang mga lumusob na informal settler.

Kaya marami ang naarestong miyembro ng Kadamay dahil sa ginawa nilang paglusob sa nasabing private property.

Malinaw pa sa sikat ng araw na labag sa batas ang ginawa ng mga ito, kaya lahat sila ay isinalang sa inquest proceeding at saka kinasuhan ng trespassing, grave coercion at malicious mischief.

Ayon kay Eleazar, nakikisimpatiya siya sa sitwasyon ng mga mahihirap pero dapat sila, tayong lahat, ay sumunod sa batas at dapat ay mamayani ang “rule of law.”

Katunayan ay nagmalasakit pa nga ang mga pulis sa mga mahihirap kaya naghahandog sila ng mga medical mission at karamihan sa mga nakinabang ay pawang mahihirap na mamamayan ng QC.

Siyempre bilang alagad ng batas, tungkulin nga naman ni Gen. Eleazar na gampanan ang tungkulin nito na ipatupad ang batas at wala siyang sisinuhin, mahirap o mayaman.

‘Pag lumabag ka ay huhulihin ka ng nasabing heneral.

Ang isa pang insidente na mabilis na narespondehan ng kapulisan ng QCPD ay ang panghoholdap sa isang sangay ng UniOil sa V. Luna sa Brgy. Pinyahan noong hatinggabi ng April 4, 2017.

Dalawang hindi nakilalang lalaki na armado ng baril ang nag-anunsyo ng holdap sa nasabing gasolinahan at tinutukan nila ng baril ang cashier ng gasolinahan para makuha ang pera sa kaha.

Buti na lang naging alisto ang mga parak nang matiyempuhan nila ang komosyon.

Mabilis na rumesponde ang mga pulis sa nagaganap na holdapan at tumimbwang ang mga holdaper matapos na manlaban ang mga ito.

Ang pagresponde ng mga pulis-QC ay nagpapatunay lamang na hindi tutulog-tulog sa pansitan ang mga kapulisan ng QCPD dahil sa ipinakikita nila ang kahalagahan ng tinatawag na “police visility.”

SALUDO kami, sa iyo, Gen. Eleazar, sampu ng mga kasamahan mong pulis!!!

CARMONA IMBAKAN NG PAIHI NG GASOLINA

Sa Carmona, Cavite ay pader ang “paihi” ni Amang na ang balita ay isang Violago ang financier kaya hindi magalaw-galaw ng kapulisan ni PD Supt. Arthur Bisnar.

Magkano kaya ang para kay Col. Bisnar?

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>