ANG battlecry daw ng isang kandidato sa mataas na posisyon ay ‘Kung ano ang puno ay siya ang bunga’, ang kasabihang ito ay siya ngayong nagiging problema ng mga lehitimong residente ng lungsod ng Malabon.
Sinasabing kilalang-kilala nila ang puno at ito ngayon ay ginagamit ng nag-aangking bunga na kung titingnan ay sadyang napakalayo naman daw sa katotohanan ang personalidad ng dalawa.
Kilala daw sa kanilang barangay ang bungang ito na ngayon ay kandidato sa Malabon at ito raw ay adik na adik, arogante at abusado, kung kaya’t marami raw ang nangi-ngilag at nangangarag kapag duma-rating na ito sa kanilang lugar.
Ang ‘bunga’ din daw na ito ang sinisisi ng mga taga-city hall kung bakit hindi natuloy ang pagpapatayo ng ospital noong kapanahunan ng ‘puno’ dahil ayon sa mga tsismosa sa city hall, parang ipinagkatiwala raw ng puno sa ‘bunga’ ang pondo at materyales sa pagpapatayo ng ospital pero dahil sa bisyo ng ‘bunga’ ayun nalustay daw at natunaw ang pondo at materyales para sa ospital.
Ito nga raw ang dahilan kung bakit hindi dinala si kandidato ng kasalukuyang administrasyon dahil baka madamay pa sila sa negative image ng bunga, sa panahon ng dating “puno”. Tsk, tsk, tsk, kawawa ang mga botanteng walang alam sa tunay na kulay ng ‘bunga’at nadala sa mga magagandang pananalita ng bunga na ito.
Teka, baka may makaisip na mag-suggest sa Comelec na ipasailalim sa drug test ang mga kandidatong may background ng pagkakasangkot sa drugs. Nakaaalarma raw kasi dahil baka trip lang ni kandidato ang pangangampanya at pambabasag ng sitwasyon ng pulitika sa Malabon!
ISKOLAR NG MANILA CONGRESSMAN ISTAMBAY
GAANO katotoo na karamihan daw sa mga iskolar nitong si Manila 4th District Congressman Tricia Bonoan, ay pawang mga istambay at ang iba naman ay two year course lang pero apat na taon niya itong sinuportahan.
Sinasabing sa lugar lang ng Sampaloc, ay humigit kumulang sa 10 tambay ang nasa listahan ng mga iskolar nitong si Cong. Bonoan.
Alam naman natin na nakatuon ang atensyon ng ating magaling na Congressman sa scholarship ng mga taga-4th District ng Maynila, sana lang ay personal niya itong tingnan at i-follow-up sa mga es-kwelahan kung totoong nag-aaral ang ganitong pangalan at huwag lang iasa sa mga staff.
Napakadaling kumuha ng mga registration ng mga paaralan, alalahanin na lang na malawak ang Recto University kung saan lahat ng iligal na papel ay nandiyan.
May nakapagsabi pa sa Lily’s Files na may mga iskolar din daw itong si Congressman Bonoan, na tinaguyod ng apat na taon ngunit dalawang taon lang ang mga kinuhang kurso.
Ano pong masasabi niyo rito Cong. Bonoan? Nakahihiya po kayo, naturingan kayong isang magaling at matalinong Congressman pero naloloko kayo ng mga staff niyo, aba! eh, dapat na siguro kayong kumilos.
