Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ROLLING COFFINS SA KALSADA

$
0
0

HINDI sapat na bigyan ng pampapalubag-loob at gastusan lang ng bus company ang pagpapalibing sa 34 pasahero na nasawi sa pagkakahulog na isa pang bus sa napakalalim na bangin sa Carranglan, Nueva Ecija.

Panahon na para patawan ng pinakamabigat na parusa ang Leomarick bus company at driver nito pati na ang mga pabayang opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Mistulang “rolling coffins” ang mga public utility bus dahil sa gawi ng mga abusadong driver na kung tutuusin ay walang karapatan na humawak ng manibela!

At karaniwan nang may makita tayong mga bus na nagliliyab sa kalsada!

Kalunos-lunos ang sinapit ng mga pasahero sa Nueva Ecija na namatay nang walang kalaban-laban.

Ilang buhay pa ang kikitilin ng mga ganitong trahedya bago magising ang mga kinauukulan na tutulog-tulog sa pansitan?!

Kung bakit naging gawi na kapag may mga namamatay sa mga road o vehicular “accident” ay nakaaalpas ang mga driver na sangkot sa pamamagitan lamang ng pagbabayad ng singilin sa punerarya.

Paano na ang mga nasirang buhay at pasakit sa mga naiwang pamilya ng mga biktima?

Kadalasan ay ang mga imbestigador pa ng traffic police ang nagmamaniobra para makatakas sa pananagutan ang mga driver na nakamatay at operator na rin.

Kadalasan di’y hindi na matatawag na “aksidente” ang mga pangyayari na bunga ng barumbadong pagmamaneho o kapabayaan ng operator sa kondisyon ng bus units.

Responsibilidad din ng LTFRB na tumutupad ang mga kompanya ng bus at iba pang public utility vehicles na ligtas ang mga ginagamit na sasakyan. Pero ano ang ginagawa nito? DEADSHOT/ERWIN TULFO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>