Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CYBERSEX SA TAGUIG NASUGPO

$
0
0

TALAMAK ang child cybersex trafficking sa Pilipinas ngunit hindi nababalita o napagtutuunan ng pansin kahit na mayroong ginagawang hakbang ang pamahalaan.

Halimbawa, tatlong miyembro ng sindikato ng child cybersex trafficking ang nadakip ng Anti-Human Trafficking Division (AHTRAD) ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pakikipagtulungan ng United State Homeland Security Investigations (USHSI).

Hindi rin matatawaran ang solidong suporta ng Taguig City Social Welfare Department (TCSWD) at ng NGO na International Justice Mission (IJM) kaya nailigtas din ang dalawang bata na biktima ng tatlong cybersex traffickers.

Ang tatlo ay nahuli sa isang hotel sa Bonifacio Global City. Bagama’t tatlo ang nahuli at dalawang biktima ang nasagip, malaking bagay ang nagawa ng NBI.

Siyempre, hindi dapat balewalain ang tulong ng USHSI. Hindi rin dapat isantabi ang suporta ng TCSWD at IJM.

Sa naganap na pagkilos, tahasang nanawagan si Taguig City Mayor Ma. Laarni “Lani” Cayetano sa publiko na makiisa, lumahok, at tumulong sa pagsugpo ng child cybersex trafficking upang masugpo nang tuluyan ang mga sangkot sa krimeng ito, sa isang banda, at tuluyang makalaya ang mga bata sa ganitong pananamantala, sa kabilang banda naman.

Maganda at napapanahon ang panawagan ni Mayor Cayetano dahil akma ito sa pagkakaroon ng makabuluhang lipunan para sa ating lahat.

Ako man ay matagal nang nananawagan sa publiko na labanan natin ang anomang estilo ng cybersex trafficking o pamamaraan ng pananamantala at pang-aabusong sekswal sa mga bata, kaya kaisa ako ni Mayor Cayetano sa kanyang panawagan at adbokasiya.

ANG BILIS NI OCA

NABALITAAN natin na mahigit 60 pamilya ang nasunugan kamakalawa sa Barangay 30, Lerma Maypajo sa Caloocan City.

Ang dapat sana’y hindi maganap dahil araw ng pagsalubong sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus, ngunit huwag ikasama dahil may mahalagang mensahe ang Panginoon hinggil sa naganap.

Bilang ama ng Calooacan, hindi naman nagpabaya si Mayor Oscar Malapitan dahil mabilis siyang nagparating ng tulong-pinansyal sa mga biktima.

Hindi man kalakihan, napakalaking bagay ang nasabing tulong para sa mga nasunugan.

Ang bilis talagang kumilos si Mayor Malapitan kahit anong oras. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Tagalog Breakup Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Happiness Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>