Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NATIONAL GOVERNMENT AGENCIES, GALAW-GALAW NA

$
0
0

MARAMING ahensya ng gobyerno ang kailangang magsikilos kaagad at hindi na dapat maghintay pa ng utos ni PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE para magawa ang dapat gawin – kaya galaw-galaw na!

Marami ring opisyal ang itinalaga ni Pangulong Duterte ang mabibilis kumilos at nakakuha kaagad ng kanilang mga posibleng kapitalista para sa iba’t ibang imprastraktura na makapagbibigay ng trabaho sa marami nating kababayan.

Halimbawa ay ang mapangahas na proyekto ni SBMA Chairman MARTIN DIÑO o Kapitan Bobot.

Mga tulay at lansangan na tatagos sa tabing dagat, mala-coastal highway.

Mayroon din kontratang para sa riles ng tren para mabilis ang biyahe ng mga negosyante mula sa Norte at Clark Development Authority.

Ang lalawigan ng Zambales ay gusto ring butasin ang bahagi ng bundok para gawan ng lansangan patagos ng Tarlac.

Kapag nangyari ito, aba, eh, ‘di hindi na iikot nang malayo ang mga biyahero’t negosyante ng lalawigan dahil mayroon nang shortcut at mabilis ang kalakalan?

Mayroon din sa buong bansa ang aprubadong proyekto ni Pangulong duterte, tulad ng mga ospital, paaralan, gusaling pampamahalaan, lansangan, tulay at iba pa na magsusulong sa galaw ng pamayanan at taumbayan.

Pero sabi nga, kailangan ang mga plano at pag-aaral kaya sana naman ay magsigalaw nang mabilis ang mga opisyal at tauhan ng government agencies katulad ng DPWH, NEDA, DENR at iba pa na sangkot sa anomang proyekto.

Dapat samantalahin ng mga ahensya ang malaking pondo mula sa China at ilang bansang nagpahayag ng todong suporta kay MAYOR DIGONG.

Isang taon lang ang hinihintay ng mga kapitalista at magbibigay ng tulong-pondo, huwag sana ninyong sayangin ang mga pagkakataong ito.

Galaw-galaw ang dapat pangunahing gawain ng national government agencies concerned.

Huwag sana ninyong pabayaan ito. Huwag ding maghari ang palakasan sa mga kontratista dahil baka gawang ampaw lang ang mangyari sa proyekto.

Huwag din hayaan na makialam ang mga interesadong politiko na alam nating nakatitig ang mga mata lamang sa malaking pera na sangkot sa gastusin.

Gawing tama ang bawat proyekto, matibay at pangmatagalan.

Sayang ang mga plano ng perokaril o tren, tulay, kalsada’t lansangan, telekomunikasyon, gusali at marami pa na nakahilera sa malaking pondo ng DUTERTENOMICS na P8.4-trilyon!!! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>