Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MRT L-3 PALAGING SIRA, PANO BULOK NA BINILI

$
0
0

KAMAKALAWA lamang ay nakaranas na naman ng pagka-antala sa biyahe ang Metro Rail Transit 3 dahil na naman sa pagkakaroon nito ng tracks failure kaya binawasan ang mga biyahe nito.

Mahigit sa kalahating oras na tumagal ang idinulot na aberya ng mass train system at naibalik lamang sa normal nang mag-a-alas-7 na ng umaga na kung saan ay marami na namang mananakay ang naaburido dahil sa palagiang pagkasira ng MRT-3.

Ang masakit pa nito, dahil sa sunod-sunod na aberya ay balak daw ng Department of Transportation na kanselahin ang kontrata ng maintenance provider ng Metro Rail Transit Line-3 dahil sa hindi matinong pagpapatakbo sa nasabing tren.

Noong Abril 18, 2017, nadiskaril o kumalas sa riles ang isa sa mga tumatakbong tren, buti na lamang at walang nasaktan sa mga pasahero ng mga araw na ‘yun.

Sa totoo lang, walang dapat sisihin ang DOTr kung sinoman ang nagseserbisyong maintenance provider ng MRT Line-3 sa mga nangyayaring pagkakadiskaril ng mga tren.

Ang dapat na tutukan ng DOTr dito ay ‘yung binibiling mga segunda-manong tren at piyesa mula sa ibang bansa na halos pinagsawaan na ng maraming taon sa pinagbilhan nito (tila nagkomisyon pa ‘yung middleman nito).

Kaya huwag na tayong umasa na magiging maganda ang pagserbisyo nito.

Tingnan ninyo, ‘yung LRT 1 na binili pa sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Nasa 36 taon pero hanggang ngayon ay maayos pa ring tumatakbo. Nasisira man pero maya-maya ay tumatakbo rin.

Bakit? E kasi, ‘yung binili na tren noon ay walang “kickback o komisyon” kaya mahusay at pulido ang nasabing tren.

‘Yun ‘yon, Mr. DOTr Sec. Arthur Tugade. Hehehehe.

NAGBUBULAG-BULAGAN SI HEPE, SUGALAN TULOY

Sa pagmo-monitor ng ating mga look-out, patuloy pa rin daw na kinukunsinti ni Peñaranda, Nueva Ecija Chief of Police Capt. Gregorio Bautista ang operasyon ng puwesto pijo na pa-drop balls ni alyas Marni sa nasabing bayan.

Ang dahilan daw ay tila may tinatanggap na timbre si hepe kaya siya nagbubulag-bulagan ‘pag pinag-uusapan ang pa-drop balls ni Marni.

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>