Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TRAVEL TAX, TERMINAL FEE SA OVERSEAS FILIPINO WORKER

$
0
0

MARAMI nang maganda o mahalagang nagaganap sa buhay-overseas Filipino worker simula noong umupo bilang Pangulo si Mayor Rodrigo ‘Digong’ Duterte.

Dapat lang na maganap ang mga ito dahil sa laki ng ambag ng mga ito sa mahal kong bayan dahil sa kanilang dami at pinagpapaguran.

15-MILYON

Napakalaki ang bilang ng mga OFW bagama’t paiba-iba ang rekord sa kanilang dami.

May nagsasabing nasa 13-milyon sila lahat habang sinasabi naman ng iba na nasa 15-milyon sila.

Pinakamarami ang nasa Amerika na tinatayang nasa apat milyon at sumunod dito na naglalaro umano sa 2-3 milyon.

Walang eksaktong bilang ng mga ito dahil marami umano ang TNT o tago nang tago na nakakalat sa iba’t ibang bansa.

Ang punto sa dami nila ay hindi na pinoproblema ng ating lipunan at ng ating pamahalaan ang empleyo sa kanila.

Lakas ng loob, talino, kakayahan at iba pa sa pakikipagsapalaran ang tagalay nila sa pag-a-abroad.

$30B PADALA

Dahil na rin sa rami nila, hindi nakapagtatakang taon-taon ay nakapagpapadala ang mga ito ng kabuuang $30-bilyon sa ating bansa.

Kung kukwentahin ang kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa sa palitang P50 kada dolyar, aba, umaabot ito sa P1.5-trilyon.

Halos kalahati ng pambansang badyet ng Pilipinas ngayong na P3.35-trilyon ang padala ng mga ito.

Mismong ang pamahalaan ang nakikinabang nang malaki rito.

‘Yun bang === ang mga OFW ang pinanggagalingan ng napakalaking halaga ng dolyar na gamit ng pamahalaang Pilipinas sa pakikipagtransaksyon sa ibang bansa, kabilang na ang pagbabayad nito ng utang sa iba at pambili ng mga pangangailangan ng buong bayan gaya ng mga imported na langis.

BUHAY NG PINAS

Bukod sa pakinabang ng pamahalaan sa padala ng mga ito, nakikinabang din ang lahat ng mga negosyante sa Pinas sa mga OFW.

Silang OFW o kanilang pamilya na sabihin nating nasa 60-70 milyon ang bumubuhay sa lahat ng mga pabrika at negosyo sa Pinas.

Ang mga OFW kasi ang may kakayahang magpundar o bumili ng mga lupa, bahay, sasakyan, gamit sa produksyon gaya ng mga bangka at traktora, damit, telekomunikasyon, gadget at magpaaral na rin ng mga anak.

Sa ibang salita, silang OFW ang malaking puwersa sa tuloy-tuloy na paglago ng ekonomiya ng buong bansa.

GATASAN

Dahil sa napakalaking dala-dalang salapi ng mga OFW, natukso maging ang pamahalaan at korap na pagkakitaan pa sila sa iba’t ibang paraan, bukod sa paggamit ng kanilang dolyar sa mga transaksyon nito at paniningil ng buwis sa mga ari-arian at serbisyong OFW.

Kabilang sa mga ginagatas sa mga OFW ang terminal fee na P550-P600 at travel tax na P1,620 bawat isa sa kanila.

At kung sa akala ninyo ay sa international flight lang nagaganap ito, diyan kayo nagkakamali.

Pati ang kanilang lokal na paglalakbay, halimbawa, habang papunta sa mga internasyonal ng paliparan o mula sa internasyonal na paliparan patungo sa kanilang sariling lalawigan.

Walang malinaw na halagang nakokolekta sa mga OFW na travel tax at terminal fee.

Pero tinatayang bilyon-bilyong piso ang mga ito na nakikita sa mga tiket sa eroplano.

NOTORYUS

Ang pamahalaang Benigno Aquino ang nakitang notoryus sa panggagatas sa mga OFW sa travel tax at terminal fee.

Ang mga batas na Presidential Decree No. 1183 at Republic Act No. 8042 o Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995, as Amended by RA 100022 ay deka-dekada nang umiiral para sa exemption o libreng travel tax at terminal fee ng mga OFW pero hindi pinairal ito ng pamahalaang Aquino.

Rason ng mga Aquinol administration, para umano sa pagdebelop ng mga paliparan para maging world class.

Pero anak ng tokwa, sa buong panahon na ito ang nakaupo, itinuring ang mga paliparan ng bansa na kabilang sa mgha “worst airports” o pinakamasama ang kalagayan sa buong mundo.

Hindi lang ‘yan.

Naging lungga ang mga paliparan ng mga tanim-laglag bala, switik na taxi nagpahirap din sa mga OFW.

WALA NANG TERMINAL FEE

Sa katapusan ng Abril, ganap nang mawala ang terminal fee.

Tanong: kasama bang mawawala ang travel tax?

Pero ang mga airline company, sa Hulyo pa lang umano ganap na buburahin ang terminal fee at travel tax?

Ito’y sa kabila ng kautusan mismo ni Pang. Digong na “stop” kaagad ang mga ito.

Magpapakita lang ang mga OFW ng mga work visa at work contract.

Kailangan ang paglilinaw pero saludo tayo sa Duterte government sa pagmamalasakit sa mga OFW.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>