SA tanong kay Vice President Jojo Binay kung ano ang taglay na kwalipikasyon ni Nancy sa pagtakbo nito sa Senado, mariin ang naging kasagutan ni Nognog.
Anak ko siya! Wow naman!
‘Yan ang tanging “track record” na bitbit ni Nancy kaya ito ay tatakbong senador!
Ang nanay sa Senado!
Yes! Weeeeeeeah!!!
-o0o-
MAY tanong pala, parekoy, kung ang tatay ang itinuturing na haligi ng tahanan, ano naman ang nanay?
Sagot ng tawiwit: sa kanya ibinabaon ang haligi!
Susmaryosep!
Ano kaya kung isang araw ay may lulutang na campaign advertisement?
“Ang tatay sa Senado!”
Bagay! Hak, hak, hak!
-o0o-
KAMAKAILAN nga pala ay pinagpiyestahan sa Facebook ang video na nagpakita kung paano nilapastangan ni Vice President Binay ang batas trapiko.
Na kahit “red light” ay walang patumangga itong hinarabas ng convoy ni Binay.
At kung gaano kasimple ang sagot niya tungkol kay Nancy, diretsahan din nitong ipinaliwanag kung bakit binalasubas nila ang batas trapiko…dahil nagmamadali raw siya sa isang appointment.
Tang’nang buhay na’to, akala siguro ni Binay siya lang ang nagmamadali sa mundong ito at ‘yung lahat ng nasa kalsada ay hindi nagmamadali!
Vice President pa lang ‘yan, pa-rekoy, lalo na siguro kung maging Pangulo na ito sa 2016!
At ang anak ay maging nanay na sa Senado! Pwe!
-o0o-
ANG sugal na may codename ROLY ay kasalukuyan pa ring nama-mayagpag sa San Pablo, Calamba, San Pedro at Sta. Rosa na pawang sakop ng lalawigan ng Laguna.
Ang itinuturong utak nitong iligal na sugal na codename ROLY ay Police Colonel ng Region 4-A at may bansag na Col. Corrupt.
Sa galing ng utak at tindi ng weekly payola na ipinamumud-mod ni kernel ay tameme pati ang DILG, CIDG at NBI.
Lalong walang problema sa Laguna Provincial Command at sa Calabarzon Regional Office dahil mas malaman ang inihahain sa kanila ni Col. Corrupt tuwing Biyernes!
Ganyan kaorganisado, pa-rekoy, itong si codename ROLY.
Katunayan, ngayon pa lang ay may mga nakahanda nang kandila para sa sinomang kolektor at kabo na hindi magre-remit dito kay Col. Corrupt!

