Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WALANG MASAMA SA SIKRETONG SELDA

$
0
0

BILIB ako rito kina Philippine National Police (PNP) chief Gen. Ronald Dela Rosa at National Capital Regional Police Office Director Gen. Oscar Albayalde na kahit pa nasibak na ang hepe ng Manila Police District 1 na si Supt. Roberto Domingo dahil sa sikretong kulungan ay pinagtanggol pa nila ang nasabing hepe.

Sa totoo lang naman talaga ay wala pong kasalanan si Supt. Domingo sa nadiskubreng ‘sikretong selda’ para sa iba pang mga nakukulong na preso sa PS1 na may mga mabibigat na kasong kinasasangkutan.

Nagkataon lang po na sa liderato o pamumuno lamang ni Supt. Domingo bumagsak ang lahat ng sisi dahil sa kanyang pamumuno naganap ang pagkakadiskubre ng mga taga-Human Rights ng sinasabing sikretong selda.

E, ilang Station Commander na ang napwesto sa presinto na ‘yan?

Bago pa man napuwesto si Supt. Domingo ay mayroon nang sinasabing “tagong selda” sa nasabing presinto na kung saan ay hindi ko alam kung bakit mayroon nito sa PS1.

Tutal nangyari na ‘yan. Pero para sa akin ay wala pong kasalanan si Supt. Domingo dahil sa napakabait at may pagka-komikero pa nga ang mamang ‘yan.

Para sa kanya, ang buhay ay parang life. Hehehehe.

Ika nga ni Gen. Dela Rosa, walang masama kung may sikretong selda hangga’t walang sinasaktan na mga bilanggo at mas mabuti pa nga raw ito kaysa makatakas ang mga preso.

BOOKIES NG STL SA LAGUNA

Ang isa pang magbo-bookies ng Small Town Lottery (STL) na walang takot na nag-o-operate ng pa-guerilla style sa Sta. Rosa, Laguna ay itong si alyas Ramil Beato.

Ang mga kakutsaba umano nito ay pawang mga pulis ng Sta, Rosa.

Matagal nang ino-operate ni alyas Beato ang kanyang bookies ng STL sa Sta. Rosa.

Pero ni hindi ito magalaw ng kapulisan sa hindi natin talaga malaman na kadahilanan.

Bakit nga ba pinapayagan ni Sta. Rosa Chief-of-Police Supt. Joel Estares ito?

Bakit nga ba, Col. Estares?

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 9826619269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES