Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PERGALAN HINDI MAPIGILAN

$
0
0

ANG mga perya ay maliliit na karnabal na madalas makitang nagsusulputan kapag may piyesta o kaya ay malapit na ang Pasko, upang pasyalan ng mga tao na ibig magsaya sa kanilang handog na rides na tulad ng Horror Train, Ferris Wheel at Merry-Go-Round.

Ang mga “pergalan” naman ay maliit na perya sa paningin ng tao na naghahandog ng bawal na sugal na tulad ng “color games” at “drop ball.”

Wala itong pinipiling panahon dahil kahit ano pang petsa ng buwan ay pwedeng buksan at patakbuhin ng mga iligalista sa sugal at droga.

Dinarayo ito ng mga tao na adik sa sugal. Ang perya ay ligal na pinatatakbo dahil kumukuha ito ng permit para makapag-operate at nagbabayad ng kaukulang amusement tax sa gobyerno.

Pero ang mga pergalan ay walang binabayarang permit to operate o amusement tax sa gobyerno. Tuloy-tuloy ang kanilang operasyon dahil ang nagsisilbing permit para sila mag-operate ay ang kuwarta na kanilang itinatapal sa pagmumukha ng mga corrupt na awtoridad na sisita sa kanila.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nababago ang baluktot na sistema na kapag iligal ang negosyo at malaki ang kinikita nito ay nakararating agad sa malakas na pang-amoy ng mga tiwaling pulis.

Ibibigay lang ng mga kotongerong pulis ang napakahalaga nilang basbas para makapag-operate ang iligalista kung magbibigay ito ng lingguhang parating o lagay sa kanila.

At isa sa mga namamayagpag kung color games ang usapan ay ang tinaguriang “reyna” ng pergalan na si “Marissa”, na ang operasyon ay katabi lang ng sangay ng Andok’s sa Quezon Blvd. sa Quiapo.

Bukod dito ay may pergalan din siya sa Ilaya sa Divisoria na malapit lang sa mismong Police Community Precinct o PCP at pati na sa simbahan. Kapag nagsara na ang simbahan ay bubuksan naman ang kanyang sugalan.

Kahit maging kapitbahay pa niya ang tahanan ng kabanalan o ang presinto ay hindi natitinag si Marissa sa kanyang pagpapatakbo ng iligal na sugal.

Dati na ring ibinunyag at binatikos ng Firing Line ang color games ni Marissa pero sandali lang itong tumigil ng operasyon, at agad nagpatuloy ang maliligayang araw nito.

Muli tayong nananawagan kina Superintendent Santiago Pacual III, Manila Police District Station 3 chief, at Superintendent Arnold Thomas Ibay, MPD Station 2 chief, na nakasasakop sa Quiapo at Ilaya. Aksyunan po sana ninyo ang pamamayagpag na ito ni Marissa.

May katotohanan kaya na kahit kay Mayor Erap Estrada ay malakas ang iligalistang ito?

Sino kaya ang kanyang koneksyon?

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>