Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAR RESTO NABABAHALA PERO TULOY PA RIN

$
0
0

MULI nating silipin ang patuloy na ginagawa nating pagbabantay sa kapakanan ng mga menor-de-edad na patuloy na kinakaladkad ng mga club owner sa putikan para magkamal lamang ng pera.

Kaya (ika nga ni Mike Enriquez) hindi natin tatantanan ang mga ‘yan bara owner na ‘yan hanggang hindi naglulubay sa kanilang mga makamundong negosyo!

Basahin ang nilalaman ng follow-up report sa San Leonardo, NE:

Idol, good morning. Tila nagpapanik na ‘yung mga may-ari ng mga demonyong resto bar dito sa San Leonardo, Nueva Ecija sa pagkakabanat ninyo muli batay sa aming mga karaingan tungkol sa kalaswaang ginagawa ng mga bar owner sa mga menor-de-edad na kinakakaladkad nila sa putikan.

Nabalitaan kasi namin idol na lalakarin daw nila sa mga humahawak sa kanila para hindi sila maipasara na nangangahulugan na talagang may mga suhol silang ibinibigay mula sa mga pulis at politiko.

Maraming salamat, idol, dahil sa muli mong pagpapasabog sa mga walang kunsensya sa mga kababaihang “minor.”

Ginagamit lang nila ang mga menor-de-edad para magkamal ng pera kahit na nakakaladkad sa mga putikan ang mga kababaihan na biktima lamang ng kanilang kahirapan.

Sana, idol, ay karmahin ang mga club owner at kung maaari, mapanagot sila sa sinapit ng mga kabataang babae na kadalasan ay pina-aarbor pa sa mga pulis at tine-take-out at sa Police Station pa raw sila ginagamit ng mga hayok sa laman na pulis sa nasabing bayan.

Salamat, idol. Kung anoman ang kahihinatnan ng ibinulgar mo ay ite-text namin sa iyo o kaya ay araw-araw naming ipa-survey sa mga impormer natin ang makamundong gawain ng mga bar resto sa San Leonardo, Nueva Ecija.

PUWESTO PIJO NA PASUGALAN NI ONJIE

Kahit na mahigpit na ipinagbabawal ang iligal na pasugalan ay pader pa rin ang pwesto pijo na pasaklaan ni Ongie sa bayan ng Indang sa lalawigan ng Cavite dahil sa pinoproteksyunan daw ng mga pulis rito.

Alam kaya ito ni Cavite Provincial Director Supt.Arthur Bisnar? Hindiii.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>