Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BISTEK SUPORTADO ANG QCPD

$
0
0

HINDI lang matinding panalangin para sa kasayahan at kayamanan ang hiling ng mga kapamilya, kamag-anak, kaibigan, kakilala at tauhan ni Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista para sa kanyang kaarawan kundi mas higit ang tagumpay at kalusugan.

Simple at tahimik na pagdiriwang lang ang nais ng alkalde ng lungsod Quezon para sa kanyang kaarawan at mas gusto niyang ilaan ang nasabing araw sa paglilingkod sa mga taong naniniwala sa kanyang kakayahan bilang “ama ng QC.”

Ilang araw bago ang kanyang kaarawan, ipinakita ni Mayor Bistek ang kanyang pagsuporta sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para sa kapayapaan at kaayusan.

Kasabay nito ang pagpapahayag niya ng suporta sa pamunuan ni C/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, director ng Quezon City Police District, dahil sa matatagumpay na operasyon nito laban sa droga at krimen.

Sabi nga ni Mayor, suportado niya si Guilor sa mga proyekto nito sapagkat subok na niya ang kakayahan nito sa pamumuno para sa kapayapaan sa kanyang lungsod na pinamumunuan at paggiya sa mga pulis na nakatalaga sa QC.

Kaya nga hindi alintana ng local government unit ng Quezon City kung milyon-milyong piso man ang gastusin para lang matulungan ang QCPD sa pagsasaayos ng kapayapaan sa pamayanan.

Noong Miyerkules nga, ipinagkaloob ng QC government sa QCPD ang 12 “facial composite sketch making machines” na nagkakahalaga ng P18.67-milyon.

Ipamamahagi ang nasabing makina sa mga istasyon upang mapakinabangan ang mga ito sakaling kailanganin ang itsura ng suspek sa partikular na krimen.

Mas magiging malapit sa totoong itsura ng suspek ang kalalabasang produkto ng sketch mula sa makina kung hindi man ito kamukhang-kamukha.

Itinuturing ni Mayor Herbert na napakagandang regalo para sa kanyang kaarawan ang matahimik na pamayanan at ang maayos na takbo ng mga nasasakupan niyang barangay.

Para naman kay Gen. Guilor, hindi kailangan ni Mayor BIstek ang materyal na bagay subalit para sa mga nagmamahal sa butihing alkalde, nais ng mahusay na heneral na maging malusog at mas matagumpay ang karera ng opisyal ng lungsod na nagpapahalaga sa ginagampanang tungkulin ng mga alagad ng batas.

oOo
Mula naman sa pahayagang REMATE, pagbati ng maligayang kaarawan ang ipinaaabot kay QC Mayor Herbert Bautista. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>